➹ 05 ┇ yakap

6.2K 352 358
                                    

Chapter 5 - Yakap

  "TRIP mo ko ha? Trip mo ko? Kung tirisin kaya kita d'yan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


  "TRIP mo ko ha? Trip mo ko? Kung tirisin kaya kita d'yan. Papansin nito, maliit naman ang talong," singhal ko kay Jungkook pero binelatan lang ako.

  Inirapan ko na lang ito at nagsimula magsulat ng lesson.

  Langya, ang lakas mangtrip sa gitna ng klase. Walang magawa ang hinayupak at ako ang nakita, mabuti na lang ay nasa last row kami.

  Napalingat ako ng tingin sa kabila nang maramdaman kong may nagmamasid sa'kin.

  "Oh ikaw? May sasabihin ka?" mataray kong tanong kay Park Jimin na nakakunot ang noo.

  Tinitigan niya lang ako na para bang sinusuri ang aking mga galaw.

  "Ang sama ng tingin mo ha, dukutin ko 'yang eyeballs mong 'yan."

  "That's all for today. So, move na tayo para sa project niyo sa'kin sa Science. By group ito and since kitang kita sa mukha niyo ang pagkaumay ay ipagsasama ko sa isang grupo ang kanya-kanya niyong mga crush," masayang sabi ni Ms. Correct Cruz na nagsigisingan naman ang lahat. "It will be exciting dahil sa isang group ay may limang member at may mga name ang group niyo and it's all about the parts of the body so may I call the group #1 Hair na pinangungunahan nila..," usal ni Ms. Correct habang binubuklat ang class record.

  Project na naman. Bakit ba ang hirap maging estudyante? Bakit ang hirap rin intindihin ng mga lalaki? Psh.

  Nagtawag na ng mga pangalan si ma'am. Napalumbaba na lamang ako at pumikit. Pero bigla rin ako dumilat ng may kumalabit sa kaliwang braso ko. Si Jimin ang nasa kaliwa ko pero busy sa pagkokopya ng lesson.

  Napatingin ako sa mesa ko nang may napansin akong maliit na papel sa taas ng notebook ko.

Matalino ka 'di ba?

  Ang sabi sa sulat.

  Hindi ako nagkakamali, sulat-kamay ni Jimin 'to.

  Tumingin ako sa kanya. Napakasimple ng tanong pero parang may kahulugan ang nakasulat.

  "Group #6 Nose na pinangungunahan ni Jeon Jungkook dahil malaki ang ilong, kasama niya si Arjean, Claire, Hoseok, at Ginelle," nakangising usal ni Ma'am.

  "Then, Group #7 Heart na pinangungunahan nung jeje--"

  "Ma'am naman e!" sigaw ni Rica ng marinig ang jeje. Puno tuloy ng tawanan sa klasrum dahil sa biglang pagrespond ni Rica.

Matalino ka 'di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon