Chapter 17 - Happenings
"HINDI na." Napatingin ako sa kanyang malulungkot na mata.
"Huh?"
Tinignan rin niya ko habang hinahawakan niya ang dalawa kong kamay. Ang init ng palad niya.
"Hindi hihilom ang sugat kung patuloy itong sinusugatan."
Nakaroon ng malaking question mark sa taas ng ulo ko. Ano ibig niyang sabihin?
"Ate.."
"Si Jimin.. mahal ko siya. Mahal na mahal pero hanggang doon lang. Mahal ka niya, Anjelyn. Mahal ka ni Jimin."
Napakunot ang aking noo sa lumabas sa bibig ni ate Angeline. "Tropa kami. Bestfriend ko siya. Bestfriend rin niya ko. Kapatid ang turingan namin. Paano mo masasabi na mahal ako ni Jimin? Eh turing sa akin nun, palaka."
"Gusto mo ba siya?" deretsang sabi ni ate na nagpahinto naman sa akin.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Maging ang pagbuka ko ng bibig ay hindi ko na magawa. Ni paghinga ata, hindi ko na alam kung paano gawin.
Ganun ba talaga ang epekto niya sa akin? Nung mga nakaraan araw.. Talaga bang may gusto na ko sa bestfriend ko?
Siya ang naiisip ko. Siya ang laging bukambibig ko. Sa kanya lang umiikot ang kuryente dulot na sa tuwing magkakadikit ang balat namin. Siya at siya lang. Si Park Jimin."Ate..," walang hangin na tawag ko.
Nginitian lang ako nito at hinalikan sa gilid ng noo ko.
"Gamitin ang talino kapag nasasaktan, gamitin naman ang puso kapag nagmamahal. Ganun lang ang daloy ika nga nila. Pero ang mas maganda ay gamitin mo parehas, 'yang talino at puso mo lagi," aniya nito at hinawakan ang balikat ko. "Ayoko matulad ka sa akin sa mga pagkakamaling ginawa ko. Nagmahal lang ako pero nagpakatanga nang nagpakatanga hanggang sa hindi ko na alam ang direksyon na tatahakin ko. Sabi nila tao lang, nagkakamali. Paano naman ako? Paulit-ulit ang pagkakamali at pagkukulang."
Bumuntong hininga ito, tumingin sa akin at pinipilit nitong ngumiti sa patuloy na pag-agos ng kaniyang luha.
"Hay. Ang buhay talaga ay hindi patas. Nakakainis pero masaya kasi ganun talaga ang buhay. Kailangan danasin ang hirap, sakripisyo, at pag-iisa pero dadating ang oras na magiging masaya na uli tayo. Hmm.. alam mo kung bakit tayo naiinis kay tadhana? Kasi hindi natin alam kung saan patungo ang ating mga kwento. Pero nasa sa atin na 'yon kung ano ang dabest na gawin. Kung lalaban ka ba o susuko na lang agad? Ikaw lang naman ang gumagalaw sa kwento mo at ikaw at ikaw lang rin ang magbabago ng pananaw mo."
BINABASA MO ANG
Matalino ka 'di ba?
Ficção Adolescente「 C O M P L E T E D ━ A N O V E L L A S T O R Y 」 ❝ tutal ikaw ang matalino, e 'di i-explain mo nga tong nararamdaman ko para sa'yo. ❞ ➥ park jimin as himself +reached 100k reads ❥ 05/11/17 +novella story +highest ranking ↴ #1 in Teen Fiction book...