➹ 01 ┇ barbie

17.7K 597 387
                                    

Chapter 1 - Barbie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


  "ANJELYN TAN! Huy manyakis!"

  "Lul mo. Maka-tawag ka ng manyakis diyan, e sino kaya nanonood ng porn sa'tin dalawa ha?" singhal ko at inirapan siya. Umupo siya sa tabi ko.

  "Walang ganyanan, pips. Huwag ka maingay," bulong nito.

  "Heh! Ano ba kasi ginagawa mo rito?" tanong ko at isinara ang librong binabasa ko habang tinatanggal ang headphones sa tenga ko.

  "Naghahanap ng chicks," usal niya habang sumisipol-sipol.

  "Pervert."

  "Ka. Rin. Period."

  "Nagpunta ka lang ba rito para bwisitin ako?" tanong ko sa damuho na ito.

  Tumingin siya sa akin. Kinabahan naman agad ako nang biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

  "Ba-bakit?" nauutal kong tanong.

  "Matalino ka 'di ba?"

  Napakunot-noo ako sa tanong niya. Ano?

  "Bestfriend mo ko 'di ba? Tropa mo. Pips mo pa nga 'ko e pero parang ako pa ata ang huling makakaalam na aalis ka," mahina nitong sabi na ikinatahimik nang aking kaluluwa.

  Bestfriend. Isa lang akong hamak na kaibigan niya.

  "Pero 'wag ka mag-alala. Ikaw pa rin ang nag-iisang Anjelyn Tan sa buhay ko," usal nito at ngumiti.

  Ngumiti rin ako sa kanya. Pilit.

  "Basta ba babalik ka ha," utos niya, ni Park Jimin. "Halika na nga at baka mahuli pa tayo sa klase. Running for valedictorian ka pa naman!" singhal nito at naglakad papasok ng school.

  Nawala ang aking ngiti.

  Kung bumalik ba ko? May magbabago ba kaya?

♡♡♡

  "ANJELYN," bulong ni Jimin sa akin.

  Lumingon ako sa pwesto niya at itinanong kung bakit.

  "Matalino ka 'di ba?"

  "Huh?"

  "Hulaan mo kung ano nakapaloob sa notebook na ito," usal nito at dahan-dahan ipinakita ang notebook na barbie ang design.

  "Ano ba nakalagay diyan sa favorite mong barbie notebook?"

  Biglang nag-iba ang aura niya. May mali ba kong sinabi?

  "Hindi ko favorite si barbie! Crush ko lang siya," seryosong sabi nito.

  "Wew, parang hindi naman."

  "Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo pips na crush ko lang si barbie!"

  "Ilang beses ko rin ba sasabihin sa'yo na bestfriend tayo kaya aminin mo na paborito mo si barbie!"

  "No, I'm not!"

  "Yes!"

  "No!"

  "Yes!"

  "No, argh!"

  "Pareng Jimin! Halika na!" Napatingin ako sa labas ng pinto ng classroom. "Oh nandito ka pala, Anjelyn," usal ni Suga pero nagnod lang ako rito at tumingin kay Jimin.

  Madaldal ang isang ito kaya siguro nalaman ni Jimin na aalis ako at pupuntang states para doon mag-aral ng college.

  "Ano ginagawa mo kay barbie?" tanong ko kay Jimin na kanina pa natataranta.

  "Tinatago ko, kaso hindi na kasya sa bag!" bulong nito.

  "Bakit? Takot ka ba makita nila si barbie? Malay mo crush rin pala nila si barbie," natatawa kong sabi.

  "Shut up, will you?"

  "Akin na nga 'yang notebook mo! Ako na magtatago sa bag at baka agawin pa ng mga parekokey mo ito si barbie, mahirap na."

  "Talaga?" Biglang nagliwanag ang aura niya sa sinabi ko.

  "Anong talaga? Na paborito mo si barbie o ayaw mo lang maagaw ng parekokey mo itong love ones mong si barbie? Alin doon?"

  Pinagsingkitan niya ko, "Na itatago mo muna ito sa bag mo. Crush ko nga lang siya," nanggagalaiti niyang sabi at sabay na tumayo.

  "Okey okey! Easy, para kang may pinaglalaban eh," natatawa kong sabi.

  "Aalis na ko," paalam niya. "Teka, hindi ka ba kakain ng lunch?"

  "Hindi na siguro. Mas gusto ko pa kasama si barbie mo kaysa kumain," usal ko habang naka-emphasize ang salitang mo.

  "Ano sabi mo?"

  "Ang sabi ko, bilhan mo na lang ako ng sisig na mainit-init pa."

  "Nasaan ang pera?" tanong nito at inilapag ang kamay sa desk ko.

  "Sayo ang pera. Libre mo," saad ko at inilagay sa bag yung barbie notebook ni Jimin.

  "Heh! Walang libre-libre sa taong matakaw tulad mo, pips!"

  "Ililibre mo ko o ipagkakalat kong crush mo si barbie?"

  "Ilang sisig ba gusto mo? Softdrinks, ilan rin? Ano pa ang gusto mo ipalibre, galante ako ngayon!"

  "Sisig lang sapat na. Samahan mo na lang ng palabok tapos sprite isa."

  "Sige po, Ms. Tan Anjelyn. Grr!"

  "Salamat Mr. Park Jimin!" sigaw ko nang makalabas na siya ng pinto.

Dear kupido,

  Lahat ba nang mga bagay ay kailangan pahalagahan? Siguro nga, dahil hindi pa natin nakikita kaya hindi pa 'to nawawala.

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!

✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!

✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Matalino ka 'di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon