➹ 07 ┇ between heart & mind

6.1K 322 259
                                    

Dyosugh note: R16 ang part na ito. Bawal sa bata at isip bata dahil may mainit na sensasyon kang mararamdaman. 'De joke lang hahaha. Enjoy reading, MATALINOs! ❤

~~~~~

Chapter 7 - Between Heart and Mind

  "TULALA ka d'yan? May problema ba?" Napatingin ako sa nagsalita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  "TULALA ka d'yan? May problema ba?" Napatingin ako sa nagsalita.

  "Ha? Wala," mahina kong sabi at nagtuloy na uli sa paglalakad.

  "Jel!" tawag ni Namjoon sa'kin kaya huminto ako sa paglalakad at nilingunan ito.

  "Bakit?"

  "May sakit ka ba?" tanong nito habang binibigay niya sa'kin yung white envelope. "Pinapabigay pala ni Jimin 'yan," usal nito at lumakad palayo pero huminto naman agad ito at lumingon sa pwesto ko.

  "Sa pagmamahal walang tama o mali, 'yun nga lang may pwede at hindi," seryosong sabi nito.

  "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at dahan-dahan lumapit sa pwesto niya.

  Imbis na sagutin ang tanong ko ay ngitian lang ako nung badjao, "Huwag mo kalimutan na may group project tayo mamaya sa library ha, lider," saad nito at nagpaalam na.

  Napatingin ako sa white envelope na hawak ko. Binuksan ko ito at binasa.

  Invitation card pala para sa nalalapit na kaarawan ng kambal na si Shane at Joana. Muntik ko na tuloy makalimutan dahil sa cold treatment sa'kin ni Jimin.

  "Meron ka palang invitation card?" bwiset na tanong na sumulpot mula sa likod ko.

  "Obvious ba?" tanong ko kay Jungkook na kasama nito si Hoseok at Jin.

  "Pupunta ka 'di ba, Jel?" tanong ni Jin sa'kin. Tumango ako.

  "Edi sino nagpapabigay sa'yo 'yang invitation?" segunda ni Hoseok at napa-isip.

  "Ano ibig niyong sabihin?"

  "Ayaw kasi ni Jimin na makita ka sa araw ng birthday ng kambal," bulong ni Jungkook na narinig ko naman kaya binato ko sa kanya ang hawak kong payong.

Matalino ka 'di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon