Chapter 18 - Salamat, kaibigan
"Ang pera pwedeng kitain, pero ang pagkakaibigan, mahirap buuin."
"NANDITO ka lang pala!" asik nito. Tinignan ko ito pero binaling ko naman agad ang aking tingin sa libro.
"Hindi, wala ako rito. Namamalik-mata ka lang."
"Aba, kailan mo pa ko binasag ha, pips?" tanong nito sa akin at umupo rin katabi ko.
Nandito ako ngayon naka-upo sa bench, katapat ng fountain ng school, kung saan tambayan namin ni Jimin at Suga lagi.
"ANJELYN!!"
Napatingin ako sa kanya at sinamaan ito ng tingin nang bigla ito sumigaw. "Aray, ang sakit sa tenga yung boses mo. Nakalunok ka ba ng megaphone? Buti pa ang megaphone nalunok mo na, eh yung jams? Kailan pa--aray! Bakit ka namimitik sa noo ha?!" singhal ko kay Jimin na bigla ba naman ako pitikin sa noo.
"Ang daming mo sinabi," natatawang sabi nito.
"Tss. Wala ka lang jams kaya mo ko pinitik!"
"Hindi ah!"
"Eh ano?! Height?"
"Grabe ka sa akin ah! Tinatapakan mo ego ko!" kunwari nangingiyak nitong sabi.
"Aysus nagdrama ang pandak, magcherifer ka mun--aray! Pangalawa na 'yon ha! Ano bang atraso ko sa'yo?"
"Wala. Na-miss lang kita," tipid nitong sagot na nagpatahimik sa akin. Para ba kong sinapak sa binitawan niyang salita. Sakit.
Ma-mimiss rin kita..
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam kung ano ang tamang sabihin o may maganda pa ba ko sasabihin.
BINABASA MO ANG
Matalino ka 'di ba?
Teen Fiction「 C O M P L E T E D ━ A N O V E L L A S T O R Y 」 ❝ tutal ikaw ang matalino, e 'di i-explain mo nga tong nararamdaman ko para sa'yo. ❞ ➥ park jimin as himself +reached 100k reads ❥ 05/11/17 +novella story +highest ranking ↴ #1 in Teen Fiction book...