Chapter 3 - Kunwari lang
"SINABI niya 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Jamielyn nang i-kwento ko sa kanya yung nangyari nung isang linggo.
"Oo," tipid kong sagot at inilagay ang librong hawak ko sa aking bag.
Pagkalagay ko ay kinuha ko naman agad ang barbie notebook ni Jimin.
"Anj, hindi kaya may malalim na meaning 'yun?" Sandaling pause niya. Napatingin ako sa kanya nang kuhanin niya ang kanyang phone sa bag. "Sandali nga, nagtext na si boyfie Sean. Susundiin niya na ko dito," kinikilig nitong sabi habang kumikinang ang kanyang singkit na mata.
Napairap na lamang ako.
"Sige iwan niyo na ko. Ganyan naman kayo e," singhal ko habang nagkukunwaring umiiyak.
"Drama mo, lul!" napatingin kami sa nagsalita.
Si Jillian lang pala na mas malamig pa sa bangkay.
"Lul ka rin. Hindi porket ipinakilala kita kay Taehyung jan. Eh isa ka rin kinikilig kapag nagvi-video call kayo," singhal ko rito.
Nanglaki ang kanyang mga mata dahil sa sobrang gulat. "Sinabi sa'kin nung kumag na 'yun!" nakangisi kong sabi.
"Le-lecheng gorilyang 'yun!" nanggagalaiti nitong sabi.
Isa kasi siyang tipo nang babae na hindi pinapakita ang kanyang nararamdam. Lagi kasing naka-pokerface. Nakakagulat nga nung sinabi ni Taehyung na kinikilig ang bruhang ito sa tuwing nagvi-video call sila. Teka, kailan kaya sila magkikita?
"Oy, nand'yan pa naman si Pauline," singhal ni Jamielyn.
"Si Pauline na laging brokenhearted slash bestfriendzone kay Jin dahil may girlfriend ito na nagngangalang Miciel? Baka pagjombagin ko silang tatlo dahil kapag nakikita ko sila na aso't pusa at daga ay sumasakit lang ulo ko."
"At isa pa, sakit lang rin sa ulo ang pag-ibig," pahabol ko pa.
"Baka lunukin mo 'yang sinabi mo," usal ni Jill habang takam na takam sa kinakain niyang cake.
Bakit ngayon ko lang napansin na may hawak pala na cake ang bruhang ito?
"So totoo nga? Mahal mo na si Taehyung ganun?" tanong ko rito na nagpasamid sa kanya.
Napangisi naman si Jamie sa ikinilos ni Jillian.
"Ba-bakit sa akin napunta ang usapan? Hindi ba? Ang kwento rito ay Anjelyn at Jimin?" balik tanong sa'kin ni Jillian.
"Ano ka ba, Jill. Walang salitang kwento sa taong bitter 'tulad niya," dugtong ni Jamielyn.
Aba pagtulungan ba naman ako.
"Hindi ako bitter ha!" pagtatanggol ko.
"Oh Anj, anong pinaglalaban mo? 'Wag ka iiyak," sarkastikong sabi ni Pauline na parang pusang tumalon sa likod ko.
Ang lakas nang pandinig nang hinayupak na ito.
"Ikaw kaya ang bitter, loko," singhal ko kay Pauline pero inirapan lang ako ng pusa.
"Hindi kaya!"
Nginisihan ko na lang siya, "Sabi mo eh."
MATAPOS ang pakikipagbarahan at pakikipagkwentuhan namin sa isa't-isa na parang wala nang bukas ay sinundo na rin ni Sean si Jamielyn at ang loko ay parang maglulumpasay na sa kilig nang sabihin ni Sean na magda-date daw sila ngayon. Tangna, walang patawad dahil sa harapan ko pa talaga naglandian ang dalawa. Si Pauline naman ay parang matanglawin nang makita niya si Jin na papalabas ng school kasama si Miciel at parang runner kung humabol sa magjowa. At si Jillian na mas malamig pa sa bangkay ay dali-dali na lang umalis na walang paalam.
Kakaunti na lamang ang estudyante dahil kanina pa ang uwian. Ang sabi ni Jimin, hintayin ko daw siya kung hindi ay ililibre ko siya nang pang isang araw. Langya, mas gugustuhin ko pang hintayin siya kaysa maging butas ang aking bulsa.
Speaking of Jimin. Napatingin ako sa barbie notebook na hawak ko. Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa niya nakukuha ito sa'kin.
Pero dahil matagal na kong na-cu-curious sa notebook na ito ay bubuklatin ko na sana para malaman ang nilalaman nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Suga nang makalapit na siya sa'kin.
"Uuwi na sana ako kaso nakita kita rito. Ano? Gusto mo sumabay?" tanong nito habang nakalabas pa ang kanyang gilagid.
"Nasaan si Hazel mo?" tukoy ko sa girlfriend niyang may PMS lagi.
"Ah si Hamster? Umuwi na," usal nito at kinuha ang bag ko na nakasabit sa balikat ko. "Sana nga huwag na bumalik," bulong pa nito na narinig ko rin naman.
"Ah kaso sabay daw kami ni Jimin uuwi e," usal ko at kinuha naman agad sa kanya yung bag ko.
"Ay ganun ba?" tumango ako at inilagay sa bag ang barbie notebook ni Jimin.
"Teka, si Jimin ba 'yun?" Napatingin ako sa tinuro niya.
Oo nga, siya nga sa hindi kalayuan. Isinukbit ko na ang aking bag sa likod at lumingon kay Suga para magpaalam na.
"Sige Suga, mauna na ko," saad ko at aakmang aalis na sana ako nang pigilan ako ni Suga.
"Teka Anjelyn, huwag ka lumingon."
Huli na nang balaan ako nito.
Tangna. Hindi ko alam pero parang bigla ako nanglumo sa nakita ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga..
Naramdaman ko na lang nang may biglang humila sa'kin at niyakap ako nang mahigpit. Na-estatwa lang ako.
"Kunwari wala kang nakita. Kunwari wala kang naramdaman. Kunwari wala si Jimin sa paningin mo. Kahit isang minuto lang Anjelyn na kunwari ay ako ang nakikita mo at hindi siya.. kasi nga, matalino ka 'di ba?"
—
Dear kupido,
Matalino ba ang tawag doon kung nakita mo siya na may kahalikan iba.
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
BINABASA MO ANG
Matalino ka 'di ba?
Teen Fiction「 C O M P L E T E D ━ A N O V E L L A S T O R Y 」 ❝ tutal ikaw ang matalino, e 'di i-explain mo nga tong nararamdaman ko para sa'yo. ❞ ➥ park jimin as himself +reached 100k reads ❥ 05/11/17 +novella story +highest ranking ↴ #1 in Teen Fiction book...