➹ 09 ┇ letrang p

6K 289 293
                                    

Chapter 9 - Letrang P

(Insert: Jimin Got No Jams XD)

(Insert: Jimin Got No Jams XD)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  "ETO talaga. Wala na ngang jams, tag-hirap pa makabili ng kama."

  "Sabi sa inyo akin itong payong eh!"

  "Bakla ka talaga kahit kailan."

  "Huy 'wag kayo maingay, gising na ang mahal na prinsesa."

  "Hoy gilagid, yung tingin mo mas matulis pa kaysa sa baba ni Hoseok."

  "Inaano ko 'yang ilong mo ha?"

  "Hoy magsitigil nga kayo!"

  "Manahimik ka jan sunog!"

  "Kabayo, bakit sunog?"

  "Badjao e. Ganun talaga kapag hindi naibabalik ang kulay."

  Naalimpungatan ako sa ingay ng paligid. Dinilat ko ang isang mata ko hanggang sa pati ang isa ay dinilat ko rin.

  Nasaan ako?

  Nanglaki ang mata ko dahil nakayakap ang braso at hita ko kay Jimin na mahimbing na natutulog. Ganun rin siya, nakayakap rin ang braso at hita niya sa akin.

  Napatingin ako sa taas nang may sumitsit.

  "Hello Jel!" bati nang mga tropa ni Jimin.

  Parehas sila nakatingin at nakangiti ng malalaki sa akin--sa pwesto namin ni Jimin.

  Takte, nakakahiya.

  Tinanggal ko agad ang pagkakayakap ko kay Jimin at dahan-dahan humihiwalay sa kanya pero ang mokong ay dinidiin ako palapit sa katawan niya.

  "Uy girl! Ikaw ha." Napatingin ako sa nagsalita. Si Jamie kasama nito si Jillian.

  "Napakaharot nga naman minsan oh," singhal ni Jillian at sabay na kumagat ng ice cream cake.

  "Huwag kayong malisyoso!" bulong ko.

  "Aysus. Alam naman namin na matagal mo ng pinagnanasaan si Jam," nakangising sabi ni Jungkook.

  "Ikaw ilong ka, huwag ka na sana huminga pa!" sigaw ko pero binelatan lang ako nito.

  Napatingin agad ako kay Jimin nang biglang gumalaw ito. Minulat nito ang kanyang mata at ngumiti sa akin-- na aking ikinatunaw. Ngumiti rin ako kaso pilit dahil paano ba naman, nandito ang mga kaibigan at kaibigan ko na nakatingin lamang sa amin na nakahiga sa gilid ng pinto ng library.

Matalino ka 'di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon