➹ 16 ┇ matalino

3.1K 174 183
                                    

Chapter 16 - MATALINO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  9K8D1T3I1A0L - After J, twist it.

  After J? After J..

  Nakaupo ako ngayon sa study table habang kinikilatis ang kapirasong papel na lumipad kanina lang sa paanan ko.

  Kumuha ako ng pad paper at sinulat ang idea na nakuha ko.

  A to J, 10 letters. A-fter? A? After J is K?

  Tinignan ko uli ang kapirasong papel.

  Pangalan ata 'to ah! Pero bakit may mga number? Baka jeje word lang 'to.

  Kailangan ko ata ng translation sa jeje words. Nasaan na ba si Rica?

  After J, twist it.

  Twist it. Pilipitin. Baliktarin? Ha?

  Ugh. Napamudmod na lang ako sa desk dahil sa sakit ng ulo ko.

  "Inaantok na ko," bulong ko sa akin sarili habang nakatingin sa relos ko.

  Alas-dos na ng umaga, may pasok pa ko bukas.

  "V! 69 alam mo ba 'yon?"

  "Oo. Yung magkapartner, nakabaliktad sa isa't isa, 69 position."

  "Vovo. Number 'yon! Manyakis!"

  "Paghiwalayin mo. Aangal 'yan!"

  Nakatingin ako ngayon sa natutulog na V sa sofa habang may maliit na boses ako narinig sa utak ko.

  Paghiwalayin?

  9K8D1T3I1A0L - After J, twist it.

  Pinaghiwalay ko ang number at letra nito.

  981310? KDTIAL?

  "Initial? Password? Ano ba 'to?" Nasabi ko na lang at napalumbaba.

  Maya maya pa'y napapikit ang mata ko nang may bagay na kumikislap na tumama sa aking mata. Kinusot ko ang mata ko at pinangliitan ito para tignan ang kumikislap na bagay na nanggagaling sa bag ko.

Matalino ka 'di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon