➹ 20 ┇ stay

3.3K 172 214
                                    

Chapter 20 - Stay

Dyosugh Note: This will be the last chapter, gais. Kaya maraming salamuch sa lahat ng mga umabot sa part na ito ❤ Sa mga ARMYs, readers, kaibigan, kapamilya at kapuso na walang humpay ang pagsuporta sa kwento at sa akin ❤ Dedicated nga fo pala sa inyo 'to, MATALINOs! So ngayong gabi, hangga't natatapos na ang kwentong ito, ay ikomento niyo na fo ang inyong mga hinaing, reaksiyon, katanungan at kung ano pa 'yan.

I-po-post ko ang epilogue sa mga sumusunod na araw ❤ Kamsaranghae! Enjoy!

~~~~~

"Ang pinakamasakit na goodbye, yung hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng puso mo."

  "ANG da-drama niyo ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  "ANG da-drama niyo ha. Dinaig niyo pa boyfriend ni Anjelyn." Napatingin kaming lahat kay Jimin ng bigla ito umimik. Napangiti ako sa kanya. Tumingin ito sa akin at ngumiti rin. "Ang OA niyo rin, akala naman mamamatay na. At isa pa, aalis lang siya saglit at babalik rin agad," sabi pa nito na bigla naman nawala ang aking ngiti.

  "Tama tama!" sigaw ni Taehyung na may patayo pa sa upuan na nalalaman.

  "Magsayaw na lang kaya tayo para less drama naman?" tanong ni Jungkook at bigla na lamang nito hinatak si RJ papuntang dance floor. Muntik na tuloy matapunan ang puting gown niya ng juice dahil umiinom 'to nung hinila ni Jungkook. Mabuti na lang ay nabitawan niya agad.

  "Mas excited pa ata ilong ni Jungkook ah," asik ni Namjoon. Tumayo na rin ito at kinuha ang kamay ni Chesca at nagpunta na rin sa dance floor.

  Ginaya na rin ng ibang kalalakihan ang magsitayuan at yayain ang kapartner na magsayaw.

  Napatingin ako kanila Rica at Henrich. Iba sa kanila, si Henrich ang pabebe at si Rica ang tumayo at nag-aya. Napailing na lang ako sa kabaliwan nilang dalawa. Napansin kong niyaya na rin sila Jamielyn ng kanilang mga kapartner maging sila Miciel. Kaya ayon, naiwan kami pareho ni Jimin sa table.

  "Oh aking prinsesa." Napatingin ako kay Jimin. Nagulat ako ng nakaluhod pala ito sa sahig at nakatingin sa akin habang nakataas ang isang palad.

  "Pwede ko ba yayain maisayaw sa entablado ang pinakamamahal kong babae na nagngangalang Anjelyn Tan?"

  Tumawa ako ng mahina dahil sa pagiging makata ni Jimin. Pinalo ko ito. "Takte ka, tumayo ka na nga d'yan," asik ko sa kanya.

  "Oo o Oo lang aking prinsesa," sabi pa nito.

  "Nasaan ang pagpipilian ko do'n? Baliw ka talaga," sabi ko rito at tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad.

Matalino ka 'di ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon