Wrong Number.
Marami ng tao ang nakatanggap ng ganyan. Minsan naman sila yung nakakagawa. May mga taong di na pinapansin yung mga ganyang pagkakamali.
Pero minsan, dyan nagsisimula ang isang panibagong relasyon. Mapa-kaibigan o mas higit pa dun.
Pa'no nga lang kung may natawagan ka..
Pero wrong number pala.
Ang masaklap pa dyan, may nagawa ka pang kabaliwan.
Yan ang nangyari sa'kin
Ako si Jane De Guzman. 15 years old. 4th year high school. Di katalinuhan pero maasahan naman. Walang inuurungan. Ako yung shoulder to lean on para sa mga kaibigan ko.
At kapag nasasaktan sila. rumeresbak ako.
Nung sinaktan ang kaibigan ko ng boyfriend nya, tinawagan ko yun at siguro, masyado akong nagalit kaya marami akong nasabing masama sa kanya.
Tapos nalaman kong wrong number pala yun. Nag-sorry ako sa nangyari at kinalimutan na ang lahat.
Pero hindi ko alam na hindi nya pala palalampasin yung ginawa ko.
Sya si Jake Mendoza. 15 years old. 4th year high school at part-time model. Gwapo at sikat. Ultimo mga matatanda sa kalye kilala sya. Isa rin syang Casanova. Sa harap ng mga fans nya, sobrang bait na aakalain mo na anghel sya na bumaba sa langit.
Swerte ba 'ko dahil na nakilala ko ang tunay na sya? Na hindi pala sya anghel tulad ng inaakala ng iba?
___________________________________________________________________________
My First Story here on wattpad! Yipee!
Okay, may pagka-noob ako so pagpasensyahan nyo na 'ko, hm? Pero may sasabihin lang ako, baka kasi mabitin kayo ehh (ang yabang ehh~). Di ako makakapag-update araw-araw kahit gustuhin ko.
Well, sana magustuhan nyo! Likes, votes and comments are loved~
Love lots,
Cherrie Anne
![](https://img.wattpad.com/cover/802578-288-k735044.jpg)
BINABASA MO ANG
Wrong Number [Complete]
Teen FictionMaking mistakes are common. But who would have thought that one wrong call can change someone's life. Copyright © 2011 AfterRainbows. All rights reserved.