*Jake's POV*
*Knock**Knock*
"Sandali lang!" Tumayo ako sa sofa at pumunta sa pinto. Binuksan ko yung pinto.
"Jake~!"
"Oh! Ba't ka nandito?"
"Bakit? Ayaw mo na ba akong makita?"
"Hindi ah! Na-miss nga kita ehh~"
Tumawa sya.
"Pasok ka."
Pumasok kami sa bahay.
"Kamusta ka na, Thea?"
"Okay lang naman. Ikaw, kamusta naman dito?"
"Hm, eto, Pinoy parin."
Tumawa sya. "Mapag-biro ka parin!"
"Oh ano? Kamusta ang America?"
"Hmm, Ayun, English-speaking parin naman ang mga Amerikano dun."
Tumawa ako.
"Alam mo ba Jake? Na-miss kita."
"Ako rin."
"Uhh.. Kamusta na pala kayo ni Tricia?" Tanong nya.
Syanghaps! Di nya pa pala alam na wala na kami.
Well, sya nga pala si Althea Flores, childhood friend ko. Mag-kaibigan ang mga parents namin. Pero umalis sila papuntang America pag-katapos ng Elementary Graduation namin. Pero alam nya ang tungkol kay Tricia at syempre dun sa first love ko. Pero dahil wala kaming communication, di nya pa alam na wala na kami ni Tricia.
"Well, Matagal na kaming hiwalay ni Tricia."
"Ha?! Kailan pa?!"
"2 years ago."
"HA?! Matagal na din pala."
Silence..
"Sabi ko na eh, di kayo mag-tatagal."
Tumawa na lang ako.
*Knock**Knock*
*Jane's POV*
"Sandali lang~"
BINABASA MO ANG
Wrong Number [Complete]
Teen FictionMaking mistakes are common. But who would have thought that one wrong call can change someone's life. Copyright © 2011 AfterRainbows. All rights reserved.