Chapter 17

13.2K 130 9
                                        

Huh? Asan ako?

Teka..

Di ba kausap ko dapat si Tricia ngayon?

Pero,

Hindi naman kami dito nag-usap eh.

Parang pamilyar tong lugar na to.

....

Ah!

Eto yung...

Ano nga yun?

Yung...

Uhhh...

Eesh! Ano ba tong lugar na to?! Hindi ko maalala! Pero pamilyar eh...

.....

Ah!

Alam ko na!

Eto yung lugar na paboritong puntahan ni Jake at nung first love nya!

Eh?

Ba't ako nandito?

Imposbile namang dinala ako ni Tricia dito.

Wala naman syang alam tungkol sa lugar na to.

Kaya, ang tanong,

Ba't ba ako nandito?

Ano bang meron?

Pag-tingin ko sa may bench, may dalawang bata. Lalaki at babae.

Lumapit ako ng konti sa kanila.

"Akala ko di ka na dadating eh." Sabi nung batang babae.

"Ano ka ba! Hindi ko yun gagawin no! Ayokong mag-hintay ka dito!" Sagot nung batang lalaki,

Tumawa yung babae.

"Sa tingin mo, mag-kaibigan parin ba tayo, pag lumaki na tayo?"

"Oo naman! Basta, walang iwanan. Di tayo mag-kakalayo."

Tumawa ulit yung babae.

"Baka nga, hindi na lang tayo mag-kaibigan pag-laki natin." Sabi nung lalaki.

Wrong Number [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon