Extra Chapter #5: Ang Love Story ng Kontrabida (Part I)

10.1K 78 2
                                    

*Tricia's POV*

Hayy sa wakas... Nakalaya na.

Leche. >___> Matagal tagal din akong nakulong. Pasalamat sila at nagpakabait ako. Gustong gusto ko kasing makalabas.

Di naman pumayag yung mga nag-reklamo sakin na mag-pyansa ang mga magulang ko. Unacceptable daw yung pagkamatay ng anak nila. Aba, kasalanan ko bang malandot yung anak nila at pumatol sa boyfriend kong gunggong?

At yung gunggong na yon, porket na-sawa saken, mangangaliwa? Di pa pwedeng sabihin sakin na sawa na sya tapos makipag-break? Simpleng bagay lang yu oh, mahirap bang gawin.

>___> - Nakakainis. Kung di lang ako makukulong ulit, papatay ako.

Tch. Lumipat kaya ako sa planetang walang rules? Para malaya ako. Pwede kong gawin kung anong gusto ko. Leche. Kaso, wala eh. Tch. P*tangina talaga.

Nakauwi na ako sa bahay. At ayun, nag-celebrate sila kasi nga, nakalaya na ako. May nakita akong dyaryo sa coffee table.

Binasa ko yung headline. "CEO of Pulsatilla Corp., Jericho De Guzman went home from Paris with his family."

Nakita ko si Jane sa picture. Oo nga pala. Anak mayaman tong gagang to. >___> Musta na kaya lablayp nito? Ang alam ko nag-break sila ni Jake dahil dun sa arranged marriage nya sa anak ni Campos.

Leche. Sa lahat pa ng papakasalan, yung kulot na yun pa? Anyare sa taste ng tatay nya?

Hahaha. Nagulat ba kayo? Updated ako no? Syempre ako pa. Papatalo pa ba ako? Anak ako ng isang sikat na reporter, syempre alam ko yan.

"Oy, lalabas muna ako."

^0^ - "Sige anak~ Have fun!"

-_____-" - Kala mo naman pupunta ako sa party. May have fun pang nalalaman.

Lumabas ako at nag-lakad lakad.

Sigh.

Ngayon ko lang na-appreciate ang simoy ng hangin. >__> dati kinamumuhian ko to dahil nagugulo yung buhok ko. Siguro nga kasi nakulong ako ng matagal.

Magpaka-bait na kaya ako? Para naman hindi na ako mapahamak. Mahirap siguro yun. Pinanganak akong masama eh.

=____= - Bahala na si Batman.

"Siguraduhin mong gwapo ako dyan!" May narinig akong boses. Napalingon ako sa kanan ko. Nice. May photoshoot.

Wrong Number [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon