Chapter 1

29.7K 416 35
                                        

*Jane's POV*

"Ano?! Pa'no nya nagawa yun sa'yo?! Tarantad* pala sya eh!!" Sumigaw ako kaya lahat ng kaklase namin napatingin.

"Jane! Kalma lang! High blood ka na naman!" Sabi ni Aileen, one of my bestest friends.

"Pa'no ako kakalma?! Eh sinaktan nung lalaking yon si Yani!" Sagot ko.

Humikbi lang si Yani.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang sumabog ehh.. Marami pang lalaki dyan na hindi lolokohin si Yani ehh.." Sabi ni Sandra.

Tumayo ako. "Hinde! Hinde ko mapapalagpas yung ginawa nung gag*ng yun kay Yani! Sabi ko na magkaka-ganito eh! Simula't sapul alam ko na may gagawing karantaduhan yang lalaking yan! Yani's too good for him!"

"Ok.. OA ka na, tama na nga yan.. Nakakahiya ka..." =__= - Aileen

Tinignan ko si Yani. "Yani! Ibigay mo sa'kin yung number nya." Kumuha ako ng papel at ballpen tapos nilagay sa mesa nya. "Yan! Isulat mo dyan!"

"Bakit isusulat ko pa? Di ba mas mabuti pang sa phone mo na lang ilagay?" Tanong nya.

"Ah.. Ehh.. Nasa bahay yung phone ko ehh.." ^__^V

Huminga sya ng malalim tapos kinuha yung ballpen at nagsulat dun sa papel. Pagkatapos, binigay nya sa'kin.

"Oh ayan, para matahimik ka na.. Alam mo Jane, di mo naman kailangang gawin 'to ehh.. Nangyari na yun... Kahit na gawin pa natin ang lahat walang mangyayari.." Sabi nya.

"Alam ko naman yun ehh.. Pero di naman natin mapapatunayan kung di susubukan, di ba? Malay mo, kapag ipinamukha ko sa kanya na hindi ikaw yung babaeng madaling iwan sa ere, bumalik sya sa'yo." Sagot ko.

"Umuwi ka na nga! Ipaghiganti mo na si Yani!!" ^____^ - Sandra

=___=" Sus! Pero sya pa yung todo pigil sa'kin kanina.

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng classroom.

Habang naglalakad pauwi, napahawak ako sa ulo ko. Nahihilo ako. Siguro dahil kanina. Natamaan ako ng bola. Ba't kaya ngayon lang ako nahilo? Weird.

Nang makauwi ako, dumiretso agad ako sa kwarto ko at kinuha yung phone ko na nakalagay sa nightstand ko. Pa'no ko kaya nakalimutan 'to? Madali naman syang makita. Ewan! Bahala na nga! Basta, ngayon makakatikim na sa'kin yung lalaking yun.. Pagsisihan nya yung ginawa nya kay Yani..

Habang dinadial yung number, nahilo na naman ako.

Umiling ako para mawala yung hilo ko tapos nilagay sa tabi ng tenga ko yung phone.

*Ring* *Ring*

"Hello? Sino 'to?" May lalaking sumagot sa kabilang linya.

Biglang nagkasulubong yung dalawa kong kilay. Marinig lang ang boses nya, umiinit na ang ulo ko. Pero, kung hindi ko lang alam na sinaktan nya si Yani, ma-iinlove ako sa boses nya. Ang sexy nung boses nya. Husky.

Wrong Number [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon