*Jake's POV*
*2 Days ago*
Humiga ako sa sofa ko. Nakakapagod din pala 'to. Ngayon ko lang rin napansin.
Atsaka, sino bang hindi mapapagaod kung kailangan mong ipagsabay ang studies at ang trabaho. Nakaka-pressure din palang maging model.
Makakatulog na sana ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Nang tignan ko, number lang ang nakalagay.
-___-" - Stalker siguro... Hayaan mo na! Mapaglaruan na nga lang! Tutal pagod naman ako eh. ^___^V
"Hello? Sino 'to?" Tanong ko.
Tahimik yung kabilang linya ng sandali. Siguro di kinaya ang ka-sexy-han ng boses ko. Si Jake Mendoza ata 'to! Swerte sya at nagkaroon sya ng pagkakataong maka-usap ako.
"HOY! NAPAKA-WALANG HIYA MO! ANONG PUMASOK SA UTAK MO AT SINAKTAN ANG KAIBIGAN KO?!" Sumigaw sya.
Shit! Ang lakas ng boses nya! Ano bang problema ng babaeng 'to?! Ano bang ginawa ko sa kaibigan nya?!
"Aray! Ang sakit naman sa tenga! Pwede ba?! Tigilan mo ang pag-sigaw?! Atsaka, anong problema mo?! Sino ka ba?!" Sigaw ko. Nakakainis! Ang lakas ng loob nyang sigawan ako! At lalong lalo na ngayong pagod ako! -_____-++++
"Ako lang naman ang kaibigan ng babaeng sinaktan mo kamakailan lang.." Sagot nya.
Babae? Sinaktan? Teka.. Ah! Oo nga pala! Yung babaeng yun! Ano ba yan! Alam naman nyang pumapayag lang akong makipag-date tuwing bored ako at walang mapag-laruan.. Tapos ngayon, kumuha pa sya ng resbak.. Hayy mga babae nga naman.. Kung gusto talaga ang isang bagay, gagawin ang lahat para makuha 'to..
Pero syempre, di ako madaling maangkin.. Hindi ako interesado sa mga seryosong relasyon.. Kung meron mang magkaka-gusto sa'kin, na lagi naman nangyayari. Bahala sila dyan at mag-laway. Tignan na lang na'tin kung mapapansin ko sila.
"Babaeng sinaktan? *sigh* Alam mo, di ko na kasalanan yun.. Di pa ba sya sanay sa mga katulad ko."
"ANO?! HOY! AKALA MO KUNG SINO KA!! NAPAKA-GAG* MO!!" Sumigaw sya.
Araw-araw ba syang sumisigaw? Mukhang sanay na yung lalamunan nya sa pag-sigaw. Nakakairita. -____-""
"TANDAAN MO 'TO! PAG NAKITA KITA, SISIGURADUHIN KONG MAGIGING KAMUKHA MO SI BENTONG!" Sumigaw ulit sya.
=__________=++++++++ Anong sabi nya?! BENTONG?!?! Ang kapal ng babaeng 'to ah! Baka nga mas malala pa yung mukha nya kay Pokwang eh!
"Ano?! B-b-bentong?! Hoy babae, di mo 'ko kilala, ako ata si Jake Mendoza..... Masyado akong gwapo para maging kamukha ni Bentong.. ... Kahit na bugbugin mo pa 'ko... Gwapo parin ako.."
Ay teka... May mali ata sa sinabi ko, imposible namang hindi nya ko kilala. AKO SI JAKE MENDOZA. At imposibleng di ako kilala ng babaeng 'to.

BINABASA MO ANG
Wrong Number [Complete]
Teen FictionMaking mistakes are common. But who would have thought that one wrong call can change someone's life. Copyright © 2011 AfterRainbows. All rights reserved.