Chapter 23

12K 96 8
                                    

*Jessica's POV*

"May problema kaya si Jane?" Tanong ko.

"Siguro. Tinanong ko sa kanya yun kanina pero, tinaboy na naman ako." Sagot ni Renz.

"Ba't mo kasi pinagpipilitan ang sarili mo sa kanya? Meron na syang Jake! Diba Jake?" Sabi ko.

"Bahala na nga kayo dyan. Uuwi na ko." sabi ni Jake at sumakay na sa kotse nya at nag-drive paalis ng school.

"Pumunta ka talaga dito?"

"Hindi ba halata?"

"Ba't ka ba nag-punta dito?"

"Di ba para makita nga si Jane? Eh kaso mukhang may problema siya."

Silence.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko.

"Wala. Naaawa ako sa kanya."

"Ba't ka maaawa? Ni hindi mo nga alam kung anong problema nya eh."

"Basta! Wala ka kasing alam kaya nasasabi mo yan!"

"Hoy! Parehas lang tayong walang alam!"

"...."

May kutob akong may alam ang lalaking to.

Kilos pa lang nya, may alam na sya eh. Pakiramdam ko may alam sya sa mga nangyayari kay Jane.

"May alam ka ba?" Tanong ko.

"Di ba kakasabi mo lang na wala? Tanga ka ba?"

"Tss. Bahala ka nga!"

Silence.

"Renz."

"Ano na naman?!"

"Layuan mo na si Jane."

"Di ko pwedeng gawin yun."

"Bakit naman?"

"Malalaman mo rin pag-dating ng araw."

"Kailan naman kaya yun?"

"Basta. Malapit na."

"Kapag ako, nasaktan sa mangyayari, lagot ka sakin!"

"Ba't ka naman masasaktan?"

"Kasi kaibigan ko si Jane!! Kambal ko sya!!!"

Wrong Number [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon