Chapter 8

15.3K 164 9
                                        

*Jane's POV*

*Knock* *Knock*

Kumatok ako sa pinto ng studio ni Jake.

Naisipan ko lang bumisita. Di ko pa sya nakikitang gumawa ng photoshoot eh.

Bumukas ang pinto, nakita ko si Jake.

"Oh? Andito ka?"

=____= - "Di ba halata?"

"Ba't ka nandito?" Tanong nya.

"Masama ba?"

=___=a - "Hindi naman sa ganun. Nag-tataka lang ako."

"Gusto kasi kitang makitang mag-pose sa camera."

"Ganun ba?"

"O-"

"Hoy! Sino yan? Ikaw ba si Jane? Yung manliligaw nitong gunggong na to?" Biglang sumingit ang isang lalaki. Grabe! Ang tangkad nya! *O*

Mas matangkad pa sya kay Jake!

Tumango na lang ako. Speechless ako sa height nya!

"Hoy, KFC! Tigilan mo nga yang kalandian mo! Alam mo namang kay Jake yan eh, pinapatulan mo pa!" May isang lalaking sumigaw sa loob.

=___=a - KFC? As in yung fastfood reastaurant?

"Ulul! Anong KFC? Gusto mo bang pitikin ko yang noo mo para lalo pa yang lumapad?"

Pumasok na kaming tatlo sa loob ng studio.

Madami pala sila sa loob.

"Bakit? KFC ka naman talaga ah! Kei Francis Cruz!" sabi nung lalaking sumigaw kanina habang tumatawa.

Kei Francis Cruz? Pfft. Pwahahahahaha!!! Oo nga no? KFC! >____<

"Pakyu!"

"Etong Richard Poon na to! Ang ingay mo! Nakakahiya!" Sabi ng isa pang lalaki.

Richard Poon?

Tinignan ko yung lalaki.

Oo nga no? Hawig nya si Richard Poon.

"Tumigil ka nga! Kris Lawrence!"

Ngayon Kris Lawrence naman! Ano pang susunod?

Wrong Number [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon