Chapter 5

18.6K 226 15
                                    

*Jane's POV*

"JAAAAAAAAAAANNNNNNEEEEEEE!!!!!!!!!!" Sumigaw yung ate ko. Grabe! Rinig ng buong bayan ang sigaw nya!

Bumaba ako at pumunta sa sala ng isubsob sa mukha ko ang dyaryo.

"Anong ibig sabihin nito ha? Ano 'to?!" Tanong nya.

Kinuha ko yung dyaryo at tinignan yung headline.

O_____O.

"Famous model, Jake Mendoza's girlfriend?" Binasa ko yung nakasulat sa dyaryo.

"Oo.. At yung babaeng kasama ni Jake, ikaw yan di ba?"

Tinignan ko ulit yung nasa dyaryo. Naka-akbay sa'kin si Jake sa picture.

"Oo."

"'Wag mong sabihing, girlfriend ka nga ni Jake Mendoza?!"

Tumango ako. "So?"

"Anong so?! Girlfriend ka ng pinaka-sikat na model dito! Sa tingin mo pag nalaman yan ng mga fans nya, makakahinga ka pa?"

=____=" - Alam ko naman yun ehh...

"Pero...."

"Pero ano?"

"Magkakaron na 'ko ng bayaw!!!" TT^TT

O____O? - "Ha?"

"Ma! Dalaga na si Jane! Dalaga na sya!!!" Sumigaw si ate.

=____= - Ang drama naman nya.

*Ring* I got you~ Under my skin~ *Ring*

"Oh! May nag-text sa'kin."

Tinignan ko ang phone ko. Galing kay Jake.

Sender: Badingding >:)

Receiver: Jane

Hoy!

Hintayin mo 'ko dyan, susunduin kita. May 10 minutes ka.

Kapag nakarating ako at di ka pa nakahanda, you're dead.

Umayos ka ha! Ayusin mo yang ayos kundi aayusin kita! Gusto mo tulong? ^_~

Sige, Kitakits

=_____=""" - Ibang klase rin 'tong manyak na 'to eh. Pagkatapos ko syang replayan, pumunta ako sa kwarto at nag-ayos.

Wrong Number [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon