*Jake's POV*
"Imposible." Yun lang ang nasabi ko ng makita ko ang isang picture sa album ni Jane.
Agad agad akong pumunta sa kwarto ko. Binuksan ko ang drawer kung san nakalagay ang picture ng first love ko.
Pinagtabi ko ang picture na yon sa picture ni Jane.
Parehas. Parehas na parehas.
Now it makes sense.
Si Jane..
Sya ang...
Sya ang first love ko.
Sya yung babaeng yon.
Matagal na palang nasa tabi ko ang first love ko. Ni hindi ko man lang pinansin ang mga clues na yon.
Bakit?! Aist! Ang tanga tanga ko!
Ibig sabihin...
May utang na loob sakin ang mga De Guzman.
May pag-asa pang maisalba ko ang relasyon namin ni Jane.
Agad akong lumabas ng bahay papunta sa garahe.
Sumakay sa kotse at nag-drive papunta sa bahay nila Jane.
Pag-labas ko ng kotse. Nakita kong naka-lock ang gate. Kaya ang ginawa ko tinalunan ko ito. Pinihit ko ang pinto pero nhindi ko mabuksan. Naka-lock.
"Hoy, hijo. Walang mapapala dyan. Nangibang bansa ang mga nakatira dyan. Paris ata." Sabi nung isang matanda na siguro ay kapitbahay nila Jane.
"Eh? Manang, anong oras po sila umalis?" Tanong ko.
"Mga isang oras pa lang naman hijo. Bakit? May kailangan ka ba sa kanila?" Tanong nya.
"Opo. Ah. Sige na po, aalis na po ako, kailangan ko silang maabutan."
"Hehe. Sige, gora ka lang hijo! Kaya mo yan! Para sa pag-ibig!" >u< Sigaw nung matanda.
O___o - Hala. May saltik ata to ahh.. Yae na, tinulungan naman nya ako. Agad akong sumakay sa kotse ko at nag-drive papuntang NAIA.
*Jane's POV*
Bumuntong hininga ako. Aalis na kami papuntang Paris.
Dun kami ikakasal ni Renz.
Kahit na ayoko, wala akong choice kundi gawin to, ang magpakasal sa kanya, dahil ayokong mapahamak si Jake.
BINABASA MO ANG
Wrong Number [Complete]
Teen FictionMaking mistakes are common. But who would have thought that one wrong call can change someone's life. Copyright © 2011 AfterRainbows. All rights reserved.
![Wrong Number [Complete]](https://img.wattpad.com/cover/802578-64-k735044.jpg)