Chapter 28

10.8K 98 11
                                    

*Kel's POV*

*CRASH!*

Nagising ako sa ingay. Agad akong umalis ng kama at kumaripas ng takbo sa kwarto ni kuya.

Pinihit ko yung knob pero di mabuksan yung pinto. Naka-lock.

Kinalampag ko yung pinto. "KUYA!!! BUKSAN MO ANG PINTO!!! KUYA!!" Sumigaw ako.

Hindi bumukas ang pinto pero nag-patuloy ang mga ingay.Ngayon lang talaga sya nag-wala ng ganto. Kahit nung nag-break sila ni Tricia, wala syang ginawang pag-wawala.

"KUYA! Wag mo namang gawin to! Kuya, sa tingin mo ba matutuwa si Jane sa ginagawa mo?! Kuya, sigurado akong may dahilan si Jane kung bakit nya nagawa yon! Kuya, intindihin mo na lang sya! Sigurado akong ginagawa nya to para sayo!" Sigaw ko.

Tumahimik sandali pero napalitan din to ng mga hikbi. Umiiyak na naman sya. Ilang beses na ba sya umiyak kay Jane? =___=" Di ko na mabilang.

"Kel. Pabayaan mo muna ako." Narinig ko syang mag-salita. Hirap syang mag-salita. Kakaiyak siguro.

"Ayoko nga! Baka kung anong di kanais-nais ang gawin mo pag umalis ako dito!"

"Wala akong gagawing di kanais-nais. Gusto kong mapag-isa." Sagot nya.

Sigh. "Bahala ka." Sabi ko at bumaba ng sala.

Umuppo ako ng sofa at nag-hintay. Baka bumaba na si kuya mamaya. =___=a Kailan kaya?

~5 hours later

(_ _") - Di padin nababa si kuya. Makalabas nga muna.

Tumayo ako. "KUYA! LALABAS MUNA AKO AH? WAG KANG GAGAWA NG KAHIT ANONG KABABALAGHAN DYAN SA KWARTO MO KUNDI MALALAGOT KA SAKEN!!!" Sigaw ko.

=___=a - Narinig kaya nya?

Hindi naman siguro sya gagawa ng kahit anong di ko magugustuhan.

Lumabas na ako ng bahay at nag-lakad lakad.

At sa di malamang dahilan napunta ako sa Wonderland. Yung napuntahan ni Alice! Pero syempre nag-bibiro lang ako. Sa park lang naman ako napadpad. Maraming mga batang nag-lalaro kasama ng mga yaya nila.

Ano kayang ginagawa ni Mark? Okay lang kaya sya? Lechugas sya. Subukan nya ako g*guhin, malalagot sya saken. Tandaan lang nya yan.

Hayyy nako. Umupo ako sa swing at nag-duyan duyan. Nakakatamad.

May biglang tumama sa paa ko. Bola. Kinuha ko at nakita ang oh-so-squishy-ng bata.

"Sayo to?" Tanong ko.

Wrong Number [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon