Dedicated To kayelynne25 ♥Kael's POV
Hi ako nga pala si Kael ang pinaka maingay, makulet, madramang estudyante ng Makinyo High School . Simple lang akong tao di ganon kayaman at di rin naman ganoon ka hirap.
May mga pangarap ako sa buhay, ang makapagtapos na kolehiyo at magkaroon ng pamilya at maayos na trabaho. Mga basic na mithiin ba ng isang tao.
Sa eskwelahan namin kahit di man ako ganon kagwapo popular parin ako dahil kagaya nga sinabi ko, Ako ang pinaka makulit at maingay sa campus namin.
Ako ay nasa ika-3 na baitang na at dalawang taon na lng ay makaka Graduate na ako at makakapag kolehiyo.
Bigla kong naalala 1 araw na lang pala bago uli ang pasukan namin sa eskwelahan at buong linggo ko ay naging busy dahil sa daming mga materyales na dapat bilhin.
Kinakabahan na ako sa susunod na araw dahil kahit na dun na rin ako nanggaling nung nakaraang taon ay kinakabahan ako sa mga bagong estudyante.
Pero may halo rin saaking pagka excite dahil may mga bagong studyante nanaman ang mag eenroll. Bagong friends, bagong lalandiin. Joke. Hehe.
Heto ako ngayon sa kwarto ala sais na ng gabi at naghahanda ng gamit at unipormeng susuotin para bukas. Iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari kinabukasan.
Pagkatapos kong ayusin ang aking uniporme ay agad akong kumain at nanood ng TV pagkatapos. Hanggang sa alas otso na ng gabi at kailangan ko ng matulog ng maaga dahil maaga rin ako papasok.
Kinabukasan dahil hahanapin ko kung sang room ako inilagay pipilitin kong pumasok ng maaga dahil maraming tao pag di ako pumasok ng maaga.
Ayoko ring malate kakahanap ng room kung saan ako inilagay dahil alam kong mapapahiya ako pag nalate ako. Katulad nung iba na naliligaw pa ng room at pinagtatawanan nila. Ayoko naman magaya sa kanila no.
At eto na nga ko nakahiga nakatutok sa cellphone ko at nakikinig nang kanta para antukin. Pinapakinggan ko ngayon ang sikat na tugtog ang "My Boo" na sumikat dahil sa nakakaindak nitong tunog at sumikat rin dahil sa tinatawag nilang #Runningman challenge. Ineexplain ko 'to sainyo dahil ayaw ko pang matulog at lisanin ang "bakasyon" dahil alam ko kinabukasan ay pasukan na at busy nanaman.
Iniisip ko lang ang mga makukulit at magugulo kong kaibigan na makikita ko na bukas. Mga bagong taong makakasalimuha ko na sana ay makasundo ko naman ng maayos.
Hanggang sa di ko namalayang alas nuebe na at unting unti na rin akong dinalaw ng antok at naiwang naksalpak sa tenga ko ang earphones.
....
BINABASA MO ANG
A Love To Wait (Completed!!!)
RomanceItong story ko ay dedicated sa mga naghihintay ng TAMANG PANAHON Sana magustuhan niyo ang story ko Enjoy reading. This is my first story by the way :) All the character names are made up only but the story is based on real life. Word Of Wisdom (Par...