Chapter 3 : Section Harvard

11K 103 3
                                    

At tumunog na nga ang bell at hinanap ang teacher namin na si Sir David Elron at agad namin siyang natunton at nagsi pila para sa pagakyat.

Ang room namin ay nasa ikalawang palapag ng building.

Agad kaming pinaakyat ni Sir David. Lumingon lingon ako sa paligid at napansin kong madaming transferee sa aming paaralan.

Marami ring bago sa mga kaklase ko lalo na sa babae. Pinapasok na kami ni Sir sa room at nagsimulang pumili ng mauupuan at tumabi ako sa mga kaibigan ko.

Tahimik ang mga bago dahil nagpapakiramdaman pa. Samantalang kaming mga matagal na ay maingay at di maiwasang masermonan agad sa unang araw ng bago naming Teacher.

"Okay class ako nga pala ang new teacher niyo at adviser, I am Sir David Elron nakapagtapos ako sa Saint Gerol College at ako ang inyong Filipino Teacher " . Panimula ng adviser namin.

Namangha ang iba dahil ang eskwelahang tinukoy ng guro namin ay sikat dahil na rin sa mayaman at maganda ang turo sa unibersidad na iyon.

"Okay, siguro naman alam niyo na ang unang gagawin sa unang araw ng pasukan diba?". Natatawang sabi ng adviser namin. Lahat kami ay kumunot ang mga noo dahil 'Introduce Yourself' nanaman. Nakakasawa na magkakakilala nanaman kami pwede naman yung mga bago nalang.

"Magpakilala kayo dito sa harap one by one, easy lang naman e. Pangalan, kung saan nakatira, at pangarap sabihin niyo" . Nakangiti niyang dugtong.

At dahil ang apelyido ko ay Aquino ako agad ang nauna sa mga lalaki. Tumayo na ko sa harapan at nagsimulang magpakilala.

"Hi ako nga pala si Kael Aquino. Ako ay labing limang taong gulang na. Akoy nakatira sa Baryo ng Makaryo at pangarap ko pong makapag tapos nang pagaaral" .Nagpalakpakan ang lahat pag katapos kong mag salita.

Lumipas ang mga minuto at nagpakilala na rin ang mga kaibigan ko at hanggang sa matapos na ang lahat mag pakilala.

Binigyan kami ng guro namin ng Free time dahil na rin First day namin kaya wala pang ituturo ang Teacher namin.

Nagkumpulan kaming mag kakaibigan nakapalibot kami at nag kwentuhan .

"Ano mga tol mukhang si Ervin lang may Lovelife satin ah hahaha ". Pagsasalita ni Nico.

"Baka kayong dalawa lang ni Kael ang wala ", Singit noi Josh na tawa ng tawa att nagtataka ako dahil wala naman itong nabanggit sa amin na meron na siyang Girlfriend.

"Ikaw Kael at Nico ano kulelat parin ba? Haha". Pangaasar ni Ervin sa amin at agad ko naman iton sinagot, "Maghintay ka lang tol " , sambit ko sa kanya samantalang si Nico ay tahimik lang.

"Ervin ilang buwan na ba kayong dalawa ni Missy huh?" Pagtatanong ko sa kanya

"5 months pa lang pare" , sagot niya.

At nakita ko si Missy na nakatingin samin dahil rin siguro narinig niyang pinaguusapan namin siya at nginitian lang ito ni Ervin at kinawayan. Inirapan naman siya ni Missy. Natawa lang kami sa ganap ng dalawa. Hindi mo alam kung sweet o ano e. Hahaha.

Lumipas ang buong klase namin ay ganoon lang kami nagkwekwentuhan at ang iba sa amin ay tulog sa kanilang mga upuan dahil mga puyat . Tumunog na ang bell at hudyat iyon ng uwian namin.

At dali dali kaming nag ayos nang aming mga sarili at bumaba at naglakad na pauwi.

A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon