Chapter 11 : Moving On

5.5K 66 4
                                    

Ilang araw na rin ang nagdaan . Isang linggo pa lang pero andami ng nangyari . Hay nako . Ano na kaya ang gagawin ko . Pinalipas ko ang mga araw at nag focus sa pagaaral . Sumasama na uli ako sa mga kaibigan ko tulad narin ng dati .

Di ko na rin nakikita si Lynne isang linggo na . Wala akong magawa dito . Kaya napag pasyahan ko lumabas at maglakad lakad . Onti lang ang nakatira sa amin parang sa probinsya .

Malawak ang paligid at amoy na amoy mo ang natural na hangin . Ipinahinga ko ang sarili ko at humiga sa damuhan . Ang kalmado ng paligid na para bang walang problemang naganap .

Maya maya pa ay bumalik na ko sa bahay namin at nanuod ng movie ang title ay "Fast & Furious 7" ang ganda ng palabas

Sinusubaybayan ko ang palabas nato dahil na rin sa kwento nitong maganda . Di ko pa man natatapos ang palabas ay parang

Pumipikit pikit na ang aking mata . Hindi ko na pinigilan ang sarili at natulog na ako sa sofa . Hinayaan ko na lang ang TV na nakabukas

....

Blaaaaaggg ! Nagulat ako sa narinig at minulat ang mata ko . Dumating na pala ang papa ko galing trabaho " oh anak kumain ka na?" Pagaalala niya . "Di pa po pa " tugon ko . "Halika na kumain ka na rito " sabi niya . Agad naman akong tumayo at kumain

....

Lynne's POV

Hays . Ang hirap naman ng exam . Sakit parin ng ulo ko . Gusto kong kausapin si Kael kaso baka busy siya siguro . Bakit kaya ganoon si Kael ? Sa tuwing nagkakaharap kami ay lagi na lang siyang tulala . Adik ba yon ? Hahaha siguro naman hindi .

Di ko alam kung bakit ganoon siya tumingin sa akin parang may gusto siyang ipahiwatig saakin . At sa tuwing titignan ko rin ito ay umiiwas ito ng tingin

Aaminin ko Cute siya pero di ko siya gusto . Ewan baka naman siguro may gusto saakin iyon . Bahala na sana wala . Dahil kung meron ay di ko rin ito papayagan dahil bata pa ako at ayokong mapagalitan ng mama ko . Hay nako kakain na nga lang ako ..

A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon