(1 Month After)
Gumising ako ng maaga dahil may foundation kami sa school at eto ang isa sa mga event sa school na inaabangan ng lahat
Naka Tokong na white at black v-neck ang suot ko . Paparating pa lang ako sa school ay rinig ko na ang malakas na tugtog galing sa loob
Pagpasok ko ay madami ng tao . Nagkalat rin ang mga stand na nagbebenta ng mga laruan at mga bag etc.
Dahil isang oras pa bago magsimula ang event ay naupo muna ko sa canteen at hinihintay ang mga tropa ko dumating
Tumingin tingin ako sa mga tao at naaninag ko agad si Lynne at napanganga ko dahil ang ganda niya sa suot niyang iyon
Napatulala ako sa kanya . Napalunok na lang ako . Ganda niya talaga . Bulong ko sa sarili at dumating na bigla ang mga kaibigan ko .
"Ohh? Aga mo tol ah?" Tanong ni Ervin . " Ahhh alam ko na kung baket " Sigaw ni Josh na parang alam na alam kung bakit " kaya ka maaga ksi ng chichiks ka no?" Sabi uli ni Josh " Uyy hindi ah?" Todo tanggi ko
Sa kanila " Kaya naman pala eh . Daya mo di mo kami sinabihan " sagot ni Nico " Baliw di nga promise napa aga lang talaga dating ko" sagot ko uli
Di na sila sumagot at umalis na kami sa canteen paraaglibot . Si Ervin ay pinuntahan si Missy sa isa pang canteen
At sakto at andoon din ang Girlfriend ni Nico na si Felicia . Naalala ko nanaman tuloy yung pumunta kami ng mall at nanood sa Cinema
Bigla namang alis si Josh at nagtaka naman ako at yun pala ay dumating ang GF niyang si Cara . Lalo naman akong nalungkot dahil
Ako na lang ang single sa kanila . Lumipas pa ang ilang minuto ay nagsimula na ang event at agad kaming pumunta sa court dahil
Dun gaganapin ang event . Ngayong araw ay puro sayaw muna ang gaganapin . Sobrang dami ng tao ang nandoon
Humanap kami ng magandang pwesto . Maya maya pa ay ipinakilala na ang sasayaw una ay ang 1st year students
Sinayaw nila ang remix na mga kanta . Hiyawan lahat ng tao . Hinanap naman ng mata ko si Lynne at nakita ko siyang nakangiti
Napangiti rin ako . Nagpapabilis ng tibok ng puso ko ang ngiti niyang iyon . Bigla itong napatingin sakin
Dahil nakangiti rin ako ay nagtaka siya at mabalkt naman ako ng hiya dahil nahuli niya ang titig kk sa kanya .
Hanggang sa 3rd year students na ang mga sasayaw kasama si Josh dun . Malakas ang hiyawan namin
Ang mga kaklase kong babae ay todo tili sa aking likuran . Sabay sabay silang lahat sa pag sayaw . Hinanap uli ng mata ko si Lynne pero ng pagkakataon na
Iyon ay wala na siya sa dating pwesto umalis naman agad ako doon at iniwan sila Ervin at Nico ng makaalis ay nakita kong maraming lalaki
Ang nagkukumpulan ayon pala ay nagpapapicture sila kay Lynne . Ikinagulat ko naman iyon . Bumili na lang ako ng softdrink sa canteen
Paglabas ko ng canteen ay nakita ko si Lynne na nakatitig sa akin . Agad namang ikinabilis ng tibok na puso ko ang titig na yon
Pero di ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang siya makatitig sa akin . Lumipas pa ang mga oras at natapos ang event
Napagplanuhan naming magtrotropa na pumunta ng Mall madami kami magkakasama . Mag gagabi na kaming nakauwi noon .
Pagkabukas ko ng cellphone ko ay bumungad saakin ang message ni Lynne at binasa ko iyon " Sino po Muse niyo?" Tanong nito saakin
"Si Yana bakit ?" Sagot ko pero di na eto nagreply . Natulog na lang ako dahil sa sobrang pagod . Kinabukasan ay 2nd day naman ng Foundation at
Laban na ng mga Muse & Escort . Isa sa mga representative ng 1st Year ay si Lynne . Excited ako at di agad nakatulog .
BINABASA MO ANG
A Love To Wait (Completed!!!)
Roman d'amourItong story ko ay dedicated sa mga naghihintay ng TAMANG PANAHON Sana magustuhan niyo ang story ko Enjoy reading. This is my first story by the way :) All the character names are made up only but the story is based on real life. Word Of Wisdom (Par...