Chapter 2 : First Day Of Class

16.3K 148 6
                                    


Dedicated to Senesnie and merrrrvs

Bigla akong nagising sa malakas na alarm ko sa cellphone ko. Muntikan pa kong mabingi dahil malapit ito sa tenga ko.

Agad agad akong bumangon dahil na rin sa pag ka excite at kumain at ng breakfast namin ngayon. Ako na ang nagluto ng scrambled egg at tinapay na may palamang mayonaise dahil makakaistorbo pa ako kila mama at baka maaga nanaman ako bungangahan na ang tanda ko na para pagsilbihan pa. Agad ko naman itong inubos at dali daling tumungo sa kwarto para kunin ang twalya kong itim at tumungo sa banyo para maligo at nagsimula ng maligo.

Nakalimutan kong madaling araw pa lang pala at malamig ang tubig at naibuhos ko agad ang tubig sa katawan ko na nagdulot ng pagtatalon ko sa lamig ng tubig. Narealize kong mukha akong tanga kakatalon kada buhos kaya binilisan ko nalang.

Natawa ko sa ginawa ko dahil para akong pusang binuhusan ng malamig na tubig. Pagtapos kong maligo ay nagsipilyo ako at di ko namalayang sinisipon na pala ko dahil na rin sa tubig na pinanligo ko.

Agad kong sinuot ang uniporme pamasok ko at tumingin sa whole body na salamin namin.

Tuwang tuwa ko rito dahil masaya ko at makakapasok na uli ako. Sinuot ko na rin ang bago kong sapatos na binili ng mama ko sa  divisoria at humarap uli sa ako sa salamin na nakangiti.

Nang nakita ko ang sarili ko na naka uniporme na naalala ko ang nga nangyari last year. Sana naman ay mas the best year 'to kesa dati.

Dali daling nagpaalam na ako sa mama at papa ko at naglakad patungo sa eskwelahan .

Nang makarating ay di pa gaanong karami ang tao at ang karamihan ay nasa notice board ng eskwela para tignan kung anong room number sila kaya naman napagpasyahan kong maglibot sa paligid at hanapin ang mga kaibigan kong nagaaral din dito.

Tumungo ako sa canteen at agad kong nakita ang mga kaibigan kong sila Ervin, Nico, at Josh una ay nagkunwari sila na di nila ko nakikita at bahagya akong lumapit ng paunti unti at nakarating ako sa pwesto nila .

Una ay wala silang imik at nainis ako sa tugon nila at tatangkaing umalis nang biglang hatakin ako ni Ervin at sinabing

"Hahaha grabe ka naman pare parang di ka mabiro", at nag tawanan ang iba pang tropa at sinapak ko ng mahina si Ervin sa katawan at di ko rin napigilang tumawa.

"Alam niyo na ba section niyo"  Pag tatanong ko sa kanila.

"Hindi pa tol e.",  sagot ng tropa at agad kong inaya para tumingin sa notice board dahil kaunti na rin ang tao na nandoon.

Naglakad kami ng sabay sabay na para kaming magkakapatid. Nang makatungo sa notice board ay nakalagay na ang room ko ay nasa Room 301 Section Harvard at laking tuwa ko nang makita ko na kaklase ko rin ang mga kaibigan ko.

Dahil masyado pang maaga ay tumambay muna kami sa covered court ng paaralan at nagkamustahan at nagkwentuhan tungkol sa bakasyon.

"Ervin balita? Balita ko may Girlfriend ka na daw ah? Si Missy daw ba yon?" , Pag tatanong ni Josh kay Ervin at tumatawa nang mahina si Ervinna para bang nahihiya at walang sinagot sa tanong ni Josh ako naman ay nagtataka kung may namamagitan sa kanila ni Missy dahil ang babaeng  yun ay bestfriend ko.

Tapos wala akong alam sa kanilang dalawa? Nakakatampo dahil hindi ko alam na may namamagitan na pala sakanila. Mga hayop sila. Joke.

Tahimik at humihikab pa ako dala na rin ng antok nang biglang tumunog ang bell na hudyat para sa pagsisimula ng klase namin.

Naeexcite na akong makilala ang bagong adviser namin at ang mga bago kong kaklase. Sana maganda ang kalalabasan ng year na 'to.

A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon