Dedicated to @choi_angel
Nagising ako sa lamig at bumangon ako sa kama at inayos ito. Dali dali akong pumunta sa kusina at kumain at agad akong naligo. Nagmamadali ako dahil gusto kong makita kung ano ang itsura ni Lynne sa personal. Oo nararamdaman ko ng magkakagusto na ako sakanya. Hindi ko alam kung pipigilan ko ba ito dahil alam ko naman bata pa siya at malayo ang agwat namin. Pero hayaan mo na, crush pa lang naman e. Hehe.
At ayun na nga mabilis akong nakarating sa aming ekswelahan at hindi muna ako nagpakita sa mga kaibigan ko dahil aasarin lang nila ako sa gagawin ko.
Naglakad lakad ako sa campus at pasimpleng tumitingin sa mga babae at hinahanap si Lynne. Maya maya ay napadaan na ko sa grupo ng mga 1st year at bahagyang binagalan ko ang aking paglakad.
Nang may biglang kumalabit sa aking likuran at agad akong lumingon at napansin kong si Geli iyon. Ikinagulat ko naman iyon at bigla siyang ngumiti ng nakakaloko, naalala niya siguro na ako ang aksidenteng naka like sa picture nila ni Lynne, "Oh? Ano pong ginagawa niyo dito? Dapat po diba andoon kayo sa grupo ng mga 3rd year?"
Pagtataka niyang tanong, "Ah e-eh e-ewan gusto ko lang maglakad lakad ", nauutal kong sabi at pagsisinungaling ko rin dito.
Nauutal ako dahil di ko alam ang sasabihin ko wala na kong magawa kung di magsinungaling dahil ayokong magkaroon ng issue.
"Ahh nagsisinungaling ka no? Alam ko na kung bakit ka talaga andito" , tugon niya at ngumiti ng nakakaloko.
Kinabahan ako sa sinabi niya ng biglang may lumapit na babae sa likuran niya at nagulat ako dahil pamilyar siya sakin. Iniisip ko kung saan ko siya nakita.
"Siya po ba ang hinahanap niyo?" , Nakangiting bulong ni Gelin sa akin habang ako ay nakatulala parin sa babaeng nasa likod ni Gelin at pilit na inaalala kung sino nga ba iyon.
Makalipas ng 16268292027 na taon na pagkakatulala sa magandang babae na iyon ay sa wakas ay bigla ko ng naalala na sya nga. Siya ang babae doon sa larawan. Siya si Lynne Alyon. Ang magandang babae na kasama no Gel sa picture, yung kanina ko pa hinahanap hanap, at ang babaeng crush ko.
Di ako makapagsalita dahil sa nakikita ko at dahan dahan akong umalis at nagtataka sila Gelin kung baket ako biglang umalis ng hindi nagsasalita.
Tinawag ako ni Gelin pero hindi ko iyon pinansin. Habang palayo ako naramdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko. Di ko alam ang gagawin ko. Bat ko nararamdaman 'to . Tumungo na ko sa mga kaibigan ko at di parin ako makapag salita.
Nagtaka naman ang mga kaibigan ko nung nakita nila ang mukha ko, "Tol ano nangyari sayo? Bakit parang nakakita ka ng multo? " , Takang tanong ni Josh
"Ahh wala tol . Gutom lang ako di kasi ako kumain kanina " , Palusot ko naman.
Tumunog na ang bell at humanda na para sa pag pila. Hindi parin ako makapagsalita. Nakaakyat na kami sa room namin at ang pumapasok lang sa utak ko ay ang salitang "Sobrang Ganda Niya Pala Talaga."
Maputi siya. Di rin siya ganoon ka tangkaran hanggang balikat ko lang siya at hindi lang iyon. Cute din siya dala na rin sa edad niyang 13 at baby face pa ito. Di ko maipaliwanag ang nangyari kanina ng makita ko siya. Parang nilindol ng malakas ang dibdib ko.
" AQUINO! KANINA PA KITA TINATAWAG ! " . Galit na galit na tawag sa akin ng Teacher namin na si Sir David. Di ko alam na ako na lang pala ang nasa labas ng room at di ko namalayang nakapasok na silang lahat. Pumasok na ko at napakamot ng ulo dahil sa hiya.
Umupo na ko at pinagtawanan ng tropa ko, "Tol adik ka ba? HAHAHAHA" , malakas na pag tawa nila habang ako ay nakasimangot sa nangyari. Hindi ko na sila pinansin at nakinig na lang sa teacher namin.
.....
Tumunog na ang bell at break time na namin. Pumunta ako sa canteen at umorder ng pagkain habang naghihintay at humanap na ako ng table na walang tao.
Ayoko munang sumama sa kaibigan ko dahil aasarin lang nila ako. Gusto ko muna mapagisa para makapagisip isip. Nakakita na ko ng pwesto at inilapag ang gamet ko doon . At kinuha na ang pagkaing inorder ko
Nakaupo na ko ngayon at kumakain lipad parin ang isip ko, mabagal akong kumakain ngayon . Napatigil ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, "Uhmm kuya pwede po bang maki table?" , Nilingon ko ito at silang dalawa pala iyon. Si Lynne at si Gelin.
Hindi agad ako nakaimik at " Ahh ok lang po kung ayaw niyo lilipat na lang po kami " sambit ni Gelin, " Ahhh wait wait lang saglit. Ok lang sige dito na kayo may iniisip kase ko eh pasensya na "
Pagtawag ko sa kanila at umupo na pero hindi ganon ka lapit sa akin tinuloy ko lang ang pagkain kahit na pinagpapawisan na ko sa kaba dahil andito lang siya malapit sa akin.
Tumingin sa akin si Gelin na tumatawa ng mahina na para bang may pangasar. Nagtaka naman si Lynne at tumingin sa akin. Agad ko namang iniwasan ang tingin niyang iyon at itinuloy uli ang pag kain. Habang kumakain ay tumingin ako ng palihim kay Lynne na nasa Gilid ko lang.
Ang ganda niya talaga at sobrang cute. Napangiti ako. Natapos na ko kumain at umalis papunta sa mga kaibigan ko at habang papalayo ako ay nadaplisan ng mata ko ang mabilis na pagtingin sa akin ni Lynne.
Nagulat naman ako. Binilisan ko ang lakad ko dahil kabang kaba nako sa mga nangyayari tumunog na nga uli ang bell at umakyat na agad sa room namin
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang klase at naghanda na pauwi. Hanggang sa makauwi na ko.
BINABASA MO ANG
A Love To Wait (Completed!!!)
RomanceItong story ko ay dedicated sa mga naghihintay ng TAMANG PANAHON Sana magustuhan niyo ang story ko Enjoy reading. This is my first story by the way :) All the character names are made up only but the story is based on real life. Word Of Wisdom (Par...