Chapter 18 : GBWBH

3.8K 40 4
                                    

"Good Boys With Bad Habits"

Dedicated to Mervin Castillo






Tahimik kaming lahat na nakikinig sa teacher namin . Wala kaming magawa akoy bored na bored na kaya naman pasimple akong gumamit ng cellphone sa room at naglaro .

Nakatuon ang mga mata ko sa aking paglalaro . Ng bigla akong tapikin ni Nico at kinabahan ako
" Tol tawag ka ni sir " sabi niya " hu-h-h ba-baket ?" Kinakabahan kong tanong

"May tatanong sayo " sagot niya . " Aquino ano ang tawag sa bida sa isang maikling kwento " tanong ni sir saakin . Wala akong maisagot dahil di ako nakikinig Kaya naman pinaupo na lang

Uli ako ni sir at bumalik sa paglalaro . "Ahh. Kaya pala wala kang masagot Aquino huh ? " Sigaw ni sir . Yun pala ay alam niyang nag cecellphone

Ako at kinuha niya iyon . Lahat sila ay nakatingin sa akin . Makalipas ang ilang minuto at break time na naawa

Saakin si sir kaya naman binalik niya ang cellphone ko .

...

(1 month after)

Magkakaroon kami ng Intrams sa school namin at madami sa amin ang sumali sa basketball . Ang unang laban namin ay bukas na at ang makakalaban ay section Apple

Section yun nila Lynne iyon . Iniisip ko ba kung manonood siya? Siguro ay hindi siya manonood ng laban wala naman siyang hilig gaano sa sport eh

Kaya naman naging kampante ako . Excited na ko dahil kada year ay ito ang inaabangan namin sa school

...

Dumating na ang araw na hinihintay ko at tumungo agad sa school . Pagkadating ko ay dala na nila ang mga Sapatos at jersey nila . Dumating

Narin ang aming makakalaban ang section Apple . Bagamat 1st year lang itong mga ito ay di namin sila iniismol .

Nasa court na kaming lahat at inililista ang aming mga pangalan at line up . Bali ako ay bangko samantalang si Nico at Ervin ay first Five .

Nagsimula na ang laban . Una ay onti pa ang tao at unti unti ring dumami . Lamang kami ng apat na puntos at ipinasok na ko ng coach at pinalitan

Si Nico . Kabado ako . Nasa kalaban ang bola at nakabantay ako ngayon sa isa sa pinaka magaling nilang player .

Tumingin ako sa bench nila at may nakita ako pero di ko muna inisip kung sino iyon . Naisteal namin ang bola . At patakbo na kami sa kabilang ring at

Sumimple ng tingin sa bench ng kalaban . Si Lynne nga ang nakita ko kanina . Pero akala ko wala siyang hilig sa sports ?

Nailang naman ako dahil tumitingin ito saakin ng biglang may tumamang bagay sa muka ko . Bola na pala iyon di ko namalayan na papasahan pala nila ako .

Sinigawan naman ako ni Ervin " Tol ano ba ? Lutang ka ba " pagalit niyang isinambit .
" Pasensya na kulang kasi ako sa tulog eh " pasisinungaling ko

Nagpapalit uli ako kay Nico dahil di na naka pokus ang utak ko sa laro . Gusto kong bumili ng inumin kaso ay nahihiya ako dahil kailangan ko munang

Dumaan sa bench ng kalaban . Wala na akong choice kaya namn tumakbo ako . Ng malapit na ko sa bench ng kalaban ay

Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko .  Onti na lang ang agwat namin ni Lynne . Habang papalapit ako ng papalapit ay tumingin ito saakin .

Saglit ko lang itong tinignan at lalagpasan na siya nang bigla niya akong hawakan sa braso dahilan para mapahinto ako

" Sorry sa nangyari " tugon niya tumango lang ako at umalis na . Pinapatawad ko na siya sa nangyari matagal na . Di ko inaasahang sasabihin niya iyon .

Pagkabili ko ng tubig ay bumalik na ko sa bench namin at wala na rin si Lynne siguro ay pumunta lang siya oara sabihin iyon

Hay nako nagabala pa siya sabi ko sa sarili . Di na uli ako nakipag palit dahil baka magulo ko lang ang laro at matalo kami

Natapos ang laro at panalo kami . Naguwian na ang iba at kaming players ay nag plano ng Gala sa bahay ng isa naming kaklase si Pierre 

Ang magkakasama ay kaming siyam sina Pierre,Ian,Raymond,Gabo,Mark,Tareq, at ang iba pa ay kaming tatlo . Wala si Josh di namin siya kasama dahil volleyball ang sports niya kaya naman

Pinapunta na lang nmin ito . Dahil unang panalo namin ay nag celerate kamo at bumili ng maraming pancit canton .

Masaya kami doon . Simula non ay lagi kaming tumatambay doon kada laban namin . Kaya naman Naisipan namin gumawa ng grupo . At tinawag namin iyon na GBWBH o Good boys with bad habits

Kung dati ay apat lang kami Nila Nico, Ervin,Josh ngayon ay sampo na kaming magtrotropa . Mas madami mas masaya ika nga











A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon