Chapter 25 : You and Me

4.6K 32 2
                                    

"Goodmorning :)" nagchat kaagad ako sa kanya paggising ko . Offline pa rin ito siguro ay tulog parin ito

Kumain muna ko . maya maya ay nagreply siya saakin "Slr. Goodmorning din" napangiti ako

Di lang dahil sa goodmorning niya dahil ito rin ang unang araw ng pagiging mag M.U. namin

Di kami gaano nagusap ngayong araw dahil din siguro ay medyo naninibago pa kami dahil nga sa mga nangyari nito lang nakaraan

***

Andito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa canteen at iniisip ko pa kung paano ko ba siya lalapitan .

kabado ako dahil baka hindi niya lang ako kausapin . napagpasyahan ko munang maglakad lakad

para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko . sakto naman ay nakita ko si Gel magisa agad ko namang nilapitan ito

"Gel ! bat di mo kasama sila Lynne?" tanong ko agad sa kanya "Ahhh . eh mag kausap kasi ako kanina sa telepono eh" sagot niya

"Gel pwede humingi ng pabor?" agad kong tanong " Sige ano iyon?" . "Gusto ko ksing lapitan si Lynne pero baka di kami magusap eh alam mo naman diba?" sagot ko na nagmamakaawa

"Osige lang ! ako bahala sayo !" sabi niya . kinabahan nanaman ako at sa susunod na break time daw kami magkikita

***
"HOY!" sigaw ng lalaki sa likod ko agad namang akong lumingon . Si Josh lang pala iyon . tulala napala ko mag damag sa room

hindi ko namalayan . pinagpapawisan ako sa niyerbiyos . akala pa nga ng mga kaklase ko natatae ako eh haha

"Pre ! anong gagawin ko ?" tanong ko kay Josh . "Kalmahan mo lang pre basta patawanin mo lang siya ang goal mo mapangiti siya" Lalo

naman akong nalakasan ang loob sa sinabi ni Josh at sakto dahil biglang nagbell na

Napapangiti ako habang pababa ng hagdan hindi ko alam kung bakit pero sa palagay ko magigingasaya to

***

Naglibot libot ako sa campus para hanapin sila Lynne at Gel . Sakto namang na nakita ko ang kaklase ni Lynne

at sabi niya ay nasa canteen daw ito . Tumakbo agad ako . Nakita ko na sila pero hindi ko parin alam kung

kaya ko bang lumapit o hindi . Bigla namang tumingin sakin si Lynne sa malayo
agad naman akong nanigas sa kinatatayuan ko

dahil para akong baliw na paikot ikot at di alam ang gagawin . dahil tinignan niya na ko ay wala na rin akong nagawa

dahil si Gel ay sinesenyasan na rin akong lumapit . Pagkalapit ko ay agad akong naupo sa tabi ni Lynne .

tahimik lang kami . "Lynne tingin ka nga kay Kael" nagulat ako ng biglang sabihin iyon ni Gel

napansin kong umiling si Lynne pero pilit nila Gel si Lynne na tumingin sakin

Napatingin ako sa kanya at bigla niya rin akong tinignan . hindi ko maialis ang mata ko sa magagandang mata niya

Nawala rin ang lahat ng kaba na nararandaman ko . Ang ganda niya . naisip ko na lang na Ang swerte ko sa kanya

inalis niya ang tingin sa akin at bahagyang ngumiti . di ko namang maiwasang ngumiti rin dahil sa kilig.

nakita kong namumula si Lynne at ganon na rin naman ako . Tumatawa rin sila Gel dahil kinikilig saming dalawa

at nagtime na at bumili si Lynne saglet sa canteen . "Sabi ko sayo di kami makakapagusap eh" medyo malungkot ko na sambit kay Gel "Hahaha Okay lang yan kinikilig nga ko sainyo eh" tawang tawa ito

Umalis na agad ako para pumila .

***

Paguwi ko ay agad naman akong nag Online chinat ko agad si Lynne " Hii po . :) " sagot ko sa kanya

habang naghihintay akong magreply siya nagisip muna ko kung anong tatawag sa kanya .

dahil mahalaga siya sakin nagisip ako ng unique na tawag sa kanya na onting tao lang ang gumagamit

kaya naisip ko Queen ang itatawag sa kanya pero di naman bagay kung sa personal ko siya tatawaging ganon .

kaya sa chat ko na lang siyang tatawaging ganon . sinabi ko agad sa kanya kung ano ang tatawag sa kanya

at nagbiro pa ito " Osige babe" natawa ako na kinikilig sa sinabi njya .

****

( 3 Days Later )

Habang patagal ng patagal ay unti unti kaming naging close sa isat isa madalas narin kaming naguusap

madalas ko na ring nakakasama ang mga kaibigan ko . "Hay nako . pano yan 2 araw na lang school end na" malungkot niya na sabi

" Okay lang yan magkikita naman tayo paminsan minsan eh " sabi ko sa kanya

Satingin ko dapat sulitin ko na yung dalawang araw na natitira . at dahil puro free time nalang kami palagi ay pumupunta ko sa room nila .

kasama ko si Nico dahil andoon din ang Girlfriend niyang si Felicia. tahimik lang kaming nakasandal sa pader ni Lynne at parehas nakikinig ng kanta

nabanggit sakin ni Gel dati na gusto ni Lynne na kinakantahan siya dahil nahihiya kong kantahan siya ay ginawa ko na lang ay kantahin ang tugtog na "Love yourself" kunwari ay

sinasabayan ko lang ito . sinimulan ko ng kumanta at nakapikit ako habang ang isa kong mata ay nakabukas ng onti .

habang kumakanta ako ay biglang tumingin si Lynne sa akin at pumikit habang pinapakinggan akong kumanta

Nakangiti siya at napakasaya kk ng oras na yon . ng tumagal ay natapos na rin ang kanta at pinalo ako sa braso ni Lynne

ng di ko alam kung bakit . nakangiti ito . napangiti na rin ako at tinitigan siya sa mata

nagkatitigan nanaman kami at para bang nangungusap kami dahil sa tagalcng magkakatitig namin sa isat isa

para bang ayaw ng kumawala ng mata ko sa mga kumikinang niyang mata

bawat araw ay lagi akong nandoon sa room nila . ang sarap niyang kasama . sana siya na yung Last to the Last ko .

wala na sigurong makakapantay sa mga katangian niyangg wala sa iba . Kakaiba siya at isa lang ang masasabi ko

"She's Worth Loving"

A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon