Pagkauwi ko sa bahay ay binuksan ko agad ang internet namin.Dahil ako lang magisa sa bahay at may trabaho silang lahat nag patugtog ako nang malakas at nag chat sa mga kaibigan ko.
GBWBH
Josh: "pre may maganda sa second year"
Nico: " Ano pangalan pre?"
Josh: "Felicia Taham pre search mo FB acc nya"
Nico&Me: "Nakita na namin maganda nga pre kaso matangkad"
Ervin: "Ligawan mo na Height Doesn't Matter naman e. Hahaha"
Wow naman. Kung makapagsalita si Ervin parang marunong manligaw a. E ubod nga ng torpe yan.
Me: "Yun ay kung type ka ba? HAHAHAHA"
Nico: "Sige ba! Pag napasagot ko yan ikaw na lang single sa tropa kael Hahahaha"
Me: "Ok lang . Natraffic lang siguro yon Hahaha. And pare true love waots nga diba?"
Ervin: "Corny mo pare."
At doon na natigil ang usapan namin dahil si Ervin ay abala kausap ang girlfriend niya at si Nico naman ay abala sa pag iistalk kay Felicia. Habang ako ay nag iistalk din nang iba pang mga transferee sa school. Baka may chix.
Marami akong nakita magaganda kabilang na dun ang bestfriend ko na si Missy. Pero karamihan ang mga bagong babae sa school pero di ko alam kung bat hindi ko sila matipuhan.
Siguro wala sa kanila ang qualities na gusto ko sa babae. Choosy ako. Joke. Gusto ko simple lang naman.
Hanggang sa napadpad ako sa 1st year students at lahat sila ay bago sakin dahil kakagraduate pa lang nila.
Sa lahat nang year ay sa 1st year karamihan ang magaganda.
Nag stalk ako bawat Facebook account ng mga estudyante sa 1st year. Habang nagiistalk ako may isang picture na nakatawag pansin sa akin.
Agad ko itong tinignan ng mabuti. Hindi ko alam kung bakit pero lumakas ang pintig ng puso ko ng makita ko ito.
Nakita ko ang picture na iyon sa account ni Gelin Evaristo na 1st year student at may caption ang picture na 'With my Bestfriends'. Naisip ko kung ichachat ko ba itong taong ito at itatanong kung sino ang babae sa larawan.
Pero nahihiya ako dahil 1st year sila at 3rd year nako malayo ang agwat namin at feeling ko walang mangyayari kahit na malaman ko ang pangalan ng babaeng nasa picture dahil narin sa edad nila. Strikto pa ang magulang nila sa mga bagay na may kinalaman sa pag boboyfriend pero nagdalawang isip ako,
Wala namang mawawala kung itatanong ko at gusto ko lang din na malaman para naging kaibigan ko man lang. Hindi naman ligaw agad habol ko e grabe kayo sakin.
At nakapag pasya na ako. Kakausapin ko na yung si Gel at itatanong kung sino ang nasa litrato. Pero bago ko man magawa yun ay may nangyari na hindi ko inaasam.
![](https://img.wattpad.com/cover/78903800-288-k433175.jpg)
BINABASA MO ANG
A Love To Wait (Completed!!!)
RomanceItong story ko ay dedicated sa mga naghihintay ng TAMANG PANAHON Sana magustuhan niyo ang story ko Enjoy reading. This is my first story by the way :) All the character names are made up only but the story is based on real life. Word Of Wisdom (Par...