Chapter 19 : M.U. ?

3.7K 35 2
                                    

Inaantok ako . Gusto ko sanang umiglip kaso ay ilang minuto na lang ay tapos na ang break namin . Pumunta muna ako sa canteen para

Bumili ng softrdrink para kahit papaano ay magising naman ako . Pagdating ko doon ay may nakita ako dalawang tao

Si Lynne at isa naman ay lalaking hindi ko makilala . Binagalan ko ang paglalakad ko at nakita kong nilibre ng lalaking iyon si Lynne

Pinagtaka ko naman ito . Akala ko nung una ay pinsan niya lang ito pero ng tignan ko uli sila ay ang sweet nila

Para akong sinaksak ng paulit ulit . Ng nakita ko silang sweet na naglalakad at dumaan pa sa harap ko .

Tulala ako magdamag sa room at para bang gusto kong umiyak sa nakita . Madaming tanong ang pumapasok sa aking isip

Sino ba ang lalaking yon ? May relasyon ba sila ni Lynne? Diba bawal siya bakit may kasama siyang lalaki ?

Mga tanong na nagpupumilit na pumapasok sa utak ko kahit na ayokong isipin ay lalo lang itong iniisip ng aking utak

Para malinawan ay chinat ko agad si Gelin . " Gelin sino yung lalaking kasama ni Lynne kanina " tanong ko " Ahh si Ken? Baket " sabi nya

"Ka ano ano niya yon?" Tanong ko na kinakabahan sa sagot na makikita ko " magkaibigan baket? " Reply nya

Kaibigan bakit ganon sila? Masaya sila na magkasama pero kaibigan? Tanong ko sa sarili na halos maiyak na ko at di na alam ang gagawin

"Ahh wala" sagot ko na para bang wala ng pagasa .
Natapos ang araw na iyon na nakatulala at di makapaniwala sa mga nangyayari .

Kinabukasan ay pagpasok ko ay umalingaw ngaw agad ang mga chismisan na si Lynne at Ken daw ay M.U.

Agad ko namang binukasan ang cellphone ko sa room ng patago at saktong online si Lynne " Totoo ba yung naririnig ko ? M.U daw kayo ni Ken "

Galit na ewan kong tanong . " Uhmm Oo . Sorry " sabi niya " Diba bawal ka baket Lynne? Baket . " Pagalit kong tanong "Hindi naman kami mag bf/gf MU lang kami at walang masama doon"

Di na ko muling nag reply dahil masasaktan lang ako sa mga malalaman ko pa .

Lumipas pa ang ilang araw ay nalaman kong nung isang linggo lang naging mag MU sila . Sabagay di naman sila MU lang sila

Tama naman siya doon . At ligawan parin naman iyon . Araw araw ay lagi na lang ganon lagi silang kumakain ng sabay . Walang oras na di ko sila nakikitang mag katabi

Matagal na palang gusto ni Lynne si Ken pero dahil bawal siya ay di ito nagpakita ng motibo samantalang si Ken ang gumawa ng paraan

Para magkalapit sila ni Lynne hanggang sa tuluyan lang silang maging mag MU mabilis lang iyon

Dahil na rin sa parehas silang may gusto sa isat isa . May picture sila lagi sa Facebook . Aaminin ko medyo nagseselos ako pero wala naman ako sa kanya eh anong

Silbi ng selos ko . Kada may event sa school namin katulad ng Sportfest ay pumupunta sila sa mall at doon ay nagdadate sila .

Nagmatyag lang ako ng matagal . Araw araw akong kumukuha ng update tungkol sa nangyayari sa kanila

Masaya sila na para bang ayaw na nilang naghiwalay . Tiniis ko ang lahat ng iyon . Naghintay lang ako at umaasa

Nagsisi ako dahil sa mga panahong iyon dapat pala ay inunahan ko na si Ken . Na dapat sana ay ako ang katabi ni Lynne

Imbis na ang lalaking iyon . Na dapat din sana ay hindi ako nagkakaganto . Sising sisi ako

Itinulog ko na lang ang lahat at inisip na sanay pag gising ko ay makalimutan ko na lang iyon

At mapalitan na lang ng pagasa na sanay maging kami pa

A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon