Chapter 8 : Hi Lynne

6.7K 66 0
                                    


Gumising nako at ginawa ko na lahat ng dapat kong gawin. Maligo, Kumain, at Magbihis.  Agad na akong tumungo sa eskwelahan namin. Sinalubong ako ng mga kaibigan ko

" Oh tol andito ka na pala . Di ka na namin ramdam ah ? San ka ba nagpupunta ?", Pagtatanong nila.

" Ahh Ehhh kasi marami lang akong inaasikaso kaya di ako nakakasama ", pagsisinungaling ko sakanila.

" masipag naman pala Haha kaya wala kang lovelife eh Haha",  Tugon ni Josh.

Lumakad na kami patungo sa canteen para tumambay. Nagusap usap kami tungkol sa lovelife namin at napag usapan namin ang kay Nico

"Ano tol musta na kayo ni Felicia?" , Tanong ko kay Nico.

" Ah okay naman. eto getting to know each other Haha " Tugon niya. Natawa namin kami.

" Naks ! Lakas naman haha " Tugon nila Josh  .

Sinita kami ng Guard di namin alam ay nagbell na pala at kami na lang ang naiwan sa canteen. Nagmadali kaming pumunta sa pila at tumungo na sa aming classroom.

Absent ang adviser namin na si Sir David kaya naman ang coordinator ng school ang nagbantay samin at dahil rin dito ay nagkaroon kami ng freetime .

Binuksan ko ang data ng cellphone ko at nakita kong Online si Lynne .

Me: " Hi lynne? Freetime niyo rin ba? "

Lynne: "Oo may sakit kasi adviser namin eh "

Me: " Ahh parehas pala tayo haha "

Agad itong nag Offline.  Sumilip ako sa room nila na malayo. Nakita kong pumasok ang teacher na magbabantay muna sa kanila. Kaya alam ko na ang dahilan kung bakit siya nag offline. Kaya naman nag offline na rin ako .

" Uyy kael ano to? Ikaw ahh ",  Sigaw si Ervin.

Nagtataka naman ako sa sinabi niya.  Lumapit ako sa kanila at nakita ko ang nakalagay sa cellphone nila

Kael Aquino  and Lynne Alyon
Are Now Friends

Di ko alam ang sasabihin ko sa kanila. Ayokong aminin dahil baka pagtripan nila ako.

" Hala sino yan? Baka matagal na yang friend request na yan ",  pagsisinungaling ko.

" Owsss . Maganda naman tol ah? ", Tugon ni Nico.

" ewan ",  tipid kong sabi sa kanila.

" Oh. taga dito lang pala sa school naten ito eh akalain mo nga naman haha" , Sabi ni Josh

" Ahh ganon ba? " , Pagsisinungaling ko ulit. Nagkunwari akong walang alam at pinanatili ko lang na ganon .

Pringhhh ! Pringhhh ! Pringhhh!

Time na pala ang bilis ng oras. Pababa na ako ng hagdan nang napatingin ako sa katabi ko, si Lynne na pala iyon di ko alam sabay kaming bumaba sa hagdan at wala kaming imik sa isat isa.

"Hi Lynne" , Pangunguna ko. Kinakabahan pa ako dahil baka snob lang ako sakanya

"Hi", tipid niyang sagot.

Natuwa naman ako dahil unang beses ko pa lang narinig ang boses niya. Maganda rin ang boses niya. Malumanay ito kung magsalita . Sa simpleng 'hi' niya ay tumibok na ng mabilis ang puso ko.

'It makes her more cuter the way she talks' Sabi ko sa sarili. Tumakbo na ko palayo dahil ayokong maka halata ang mga kaibigan ko na nasa harapan lang namin ngayon. Umorder ako ng pagkain at naupo katabi ang  mga kaibigan ko

Dalawang mesa lang ang pagitan namin kila Lynne at pinagmamasdan ko siya habang kumakain. Napansin niyang parang may naka titig sa kanya at inilibot ang mata sa paligid

Inilihis ko agad ang aking paningin sa kanya. Buti na lang ay di niya ko nakita na tumititig sa kanya kung hindi ay siguro balot na balot na ko sa hiya.

"Exam na pala sa miyerkules no? 2 araw na lang ", Sabi ni Josh

"Ay ang bilis naman " tugon ko.

Sa tingin ko ay magiging busy muna ko buong linggo dahil ayokong bumagsak sa exam

A Love To Wait (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon