Hi! :) Thanks to all my supporters here. Nakakatuwa naman! Sa mga comments niyo? I appreciate it. This chapter is dedicated to one of my reader and friend. Invisiblycute :)
Flame's POV
Nasa bahay namin kami ni Bea. Sa kwarto ko. May pag-uusapan kami. Gusto ko kaming dalawa lang.
"Ice" I called her in my serious tone
Yes. I call her code name 'cause we will talk about Black Demon, oour rival gang.
"Oh?"
Liningon niya ako. May tinitignan mga documents kasi siya. Ewan kung ano. Pero ganon pa rin. Kung gano kalamig ang pangalan niya ay ganon din kalamig ang boses niya at ekspresyon ng mukha niya.
"Tyler. Alam mo ba ang tungkol sa sinalihang gang niya?" Tanong ko sa kanya
Huminto naman siya at parang biglang nagbago ang walang kaemo-emosyon niyang mukha, ngayon ay naging malumanay.
"I'm not sure. But noon, it's the Snake's Venom Gang sa Korea. But ngayon? I'm not sure. Pero sa inasal niya, I conclude na he's with the Black Demon Gang"
Napayuko naman si Bea. Nalulungkot siya. Galit ako at nalulungkot ako. Naalala ko pa ang huling kita namin. Tatlong araw na ang lumipas simula noon. At yung huling mensahe niya sa akin.
Tyler: Yan-yan, kahit anong mangyare. Wag na wag kang susunod sa gusto niya ah? He's not the man of word. Wala siyang salita. I trust you. Don't die. Kahit anong mangyare, di kita kakalabanin. Alam mo yan. Alam na alam mo yan. Mahal na mahal ko kayo ni Bea. Pakisabi kay Tres na mahal ko siya bilang kapatid ko. Ikaw. Alam mo naman diba kung ano ka sa buhay ko? Kaya nga kita pinalaya dahil ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko rin. Kahit anong mangyare, mahal ko kayo. Babantayan ko kayo kahit saan man kayo magpunta. I will miss you. I hope you will too.
Iyan ang huling mensahe niya sa akin. At hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kanya.
*kring kring kring*
Nabasag ang katahimikan dito sa kwarto ko nang tumunog ang cellphone ko. Tignan ko naman ito. May tumatawag at nang tignan ko ang screen. Si tita Tyrra, mommy ni Tyler.
Bigla akong kinabahan.
"Hello tita?"
(Aesha, nandiyan ba sa inyo si Tyler? Tatlong araw na, hindi pa siya umuuwi.) Pag-aalalang tanong ni tita
Dalawang araw lang kasi siya nawawala o di kaya di umuuwi sa bahay nila. At pag di naman 'to umuuwi, nandito yan sa bahay. Dahil dun mas tumindi pa ang kaba na nararamdaman ko.
"Wala po tita. Tatlong araw na rin simula nong nakasama namin siya sa hospital. Bigla siyang nawala" sinabi ko ang totoo excluding the part na pag-alis niya
(Ah. Ganon ba? Pag magtext siya. O ano. Pakisabing umuwi na siya)
Binaba na ni tita ang tawag ng sinabi kong tatawagan ko siya at pag tumawag o magtext man lang si Tyler ay ipapaalam ko sa kanya.
Hindi pa rin nawawala ang kabang nararamdaman ko.
"Hey. Are you okay? Ano daw ang sabi ni tita?"
Nag-aalalang tanong sa akin ni Bea.
"Nawawala daw si Tyler. Tatlong araw na"
Nang narinig niya iyan. Bakas sa mukha ni Bea ang pag-aalala at batid ko rin na kinakabahan siya sa pagkawala ni Tyler.
"Black Demon Gang"
Yan nalang ang tanging nasabi ni Bea. Alam ko, sa sarili ko na may kinalaman ang black demon gang dito.
BINABASA MO ANG
The Nerd is the Lost Rank 1 Gangster
ActionWhat if this nerd is the lost rank 1 gangster? Will you still bully her? A/N: Pasensyahan niyo na. Di ko kasi pa napag-isipan to. (;ω;)