Hiiiiii! I'll dedicate this chapter to the first who comment in chapter 28. :D Thisisminenocomment. Hi baby! 👊 Hope you like this chapter.
Flame's POV
I'm driving my motorcycle to tita's place, Ty's mother. But still, Zach's word still hunting me.
Pagkarating ko sa labas ng gate ng bahay nila Tyler ay nagdoorbell ako at pinagbuksan naman ako no tita. Mansion tong bahay nila pero hindi naman engrandeng mansion. Yung masasabing simple but elegant type of mansion.
"Esha, pasok." Matamlay na pagbungad sa akin ni tita.
At tinalikuran niya ako. Isinirado ko naman ang gate nila baka may makapasok pa. Pagkatapos kong isirado ay sumunod na rin ako sa loob ng bahay nila.
"Tita, about Tyler." Panimula kong sabi nang nakaupo na kami sa couch nila sa sala
Hindi ko pa nasasabi ang tungkol kay Ty ay umiyak na si tita sa harapan ko.
"I know Esh. And I can't believe he passed away just like that." Sabi niya habang ang kamay niya ay nasa mukha niya.
Lumapit naman ako sa kinauupuan niya. At niyakap siya. Si tita at Tyler ay sobrang malapit sa isa't-isa kaya alam kong sobrang nasasaktan si tita sa pagkamatay ni Tyler.
"May alam ka bang mangyayari ito?" Tanong sa akin ni tita nang tumahan na siya ngunit nakayakap pa rin ako sa kanya
Umiling naman ako dahil totoo naman. It's unexpected. Hindi sumagi sa utak ko na magiging ganito.
"Tita, pwedi ko bang bisitahin ang kwarto ni Tyler and can I take some pictures of him?"
Tumango naman si tita.
"I bake some cake here. It's for him, his favorite flavor but ---"
Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil nagbreak down na naman siya. Inalo ko muna siya at nang tumahan siya, pumunta siya sa kitchen at ako naman sa kwarto ni Tyler.
Napabaling ang tingin ko sa isang sulat kamay na nakalagay sa ibabaw ng mesa ni Tyler. Napangiti naman ako nang nakita kong para kanino ito.
Dear Yan-yan,
Ang corny ko ata! Ay basta. Gusto ko lang sabihin sa iyo na. You're very beautiful. You're perfect! Mahal kita. Pero may mahal ka ng iba eh pero kapag sinaktan ka niya. Promise babawiin kita sa kanya. Gagawin ko lahat mahalin mo ako dahil kapag ako ang mahalin mo, sasaya ka, di ka masasaktan. Mahal na mahal kasi kita eh mula bata pa tayo. Sa ngayon, sa kanya ka muna. Mahal ko.
Nagmamahal Ty
Umupo ako sa kama ni Tyler. Sari-saring alaala ang bumabalik ngayon sa akin.
"Yan yan! Halika dito. Tabi ka sa akin." Sabi ni Tyler sa akin.
Tumabi naman ako sa kanya
"Bakit ty?"
Hinawakan niya kamay ko.
"Wala naman. May tanong ako sayo. Sagutin mo ah?" Sabi niya sa akin
Tumango naman ako bilang pagturan sa kanya.
"I love someone. Kung ikaw yun, kapag sinabi ko ba sayo, ano ang magiging reaksyon mo?" Seryoso niyang tanong sa akin
Ngumiti naman ako
"Siyempre tatawa. Ikaw? Magkagusto sa akin. Oh no. Pigs will fly. I know your type" At tumawa naman ako
"Loko ka talaga! Kunyare nga lang eh." Sabi niya at tumawa na rin
No. Hindi iyon kunyare. Bulag lang talaga ako para makita at maramdaman ko na mahal nga talaga ako ni Tyler.
"Yan yan. I'm leaving" sabi niya sa akin habang kumakain kami sa kwarto ko nang pizza at nanunuod ng action movie
"Okay. Itext mo nalang ako pag nakauwi ka na sa bahay ah?"
"No. I mean I'm leaving the country. I'm going abroad"
Napatingin naman ako sa kanya.
"What do you mean?" Seryoso kong tanong sa kanya
"I'm going abroad. Pupunta ako ng Korea at doon mag-aaral."
"You will leave me alone?" Hysterical kong tanong sa kanya
"No. You're not alone. You're with Bea." Sabi niya at hinawakan niya ang mukha ko
Iyak pa rin ako ng iyak.
"No. Don't leave us!" Sabi ko sa kanya
Niyakap niya naman ako. Iyak pa rin ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako.
Pagkagising ko. Wala na si Tyler. Nakaalis na siya papuntang Korea. Nagalit ako nang sobra sa kanya. Halos ayaw ko siyang kausapin. Kabaliktaran naman ni Bea. Dahil kay Bea ay nagkausap din kami at nagkapatawaran na din.
Hinawakan ko ang picture naming tatlo ni Bea at Tyler nakaframe at nakapatong sa mesa sa gilid ng kama niya. Nakangiti kami lahat diyan at nakataas ang kamay.
"Si Tyler" sigaw ni Tyler
"Si Aesha" mahina kong sabi
"At si Bea" cold na pagkasabi ni Bea
"Best friend forever" Sigaw ni Tyler
Napangiti naman ako sa huli kong naalala. Pinunasan ko ang luhang malayang tumutulo sa pisnge ko. Bago pa ako mabaliw sa kaalala. Lumabas na ako ng kwarto na iyon.
Sinabi ko na din kay tita na pupuntahan ko pa si Bea dahil masama ang pakiramdam nito. Nang makalabas na ako ng gate nila ay kinabahan ako bigla kaya't nagmadali ako upang makapunta agad sa head quarter. Tahimik ang buong HQ kaya't kumaripas ako nang takbo patungong kwarto na pinaghingaan ni Bea. Nadatnan kong magulo ito at nakatali si Bea sa isang upuan at may nakalatag na isang kapirasong papel na may lamang sulat. Tinanggal ko ang tali kay Bea at niyakap ako ni Bea.
Hi Shasha,
I'm back! ❤
Hindi ako magkakamali. Siya ito. Ang sulat kamay niya. At kung pano niya ako tawagin. Pero pano?
"What just happen Bea?"
Nanghihinang humiga si Bea sa kama at umupo naman ako sa gilid ng kama.
"I was sleeping and man in black enters the room. I can't fight back at hindi ko alam basta nanghihina ako. They drag Drake with them, literally." Paliwanag ni Bea.
Tumango naman ako.
"Any idea who are they?" Tanong ni Bea
Tumango ulit ako.
"Zeech is back"
BINABASA MO ANG
The Nerd is the Lost Rank 1 Gangster
AksiWhat if this nerd is the lost rank 1 gangster? Will you still bully her? A/N: Pasensyahan niyo na. Di ko kasi pa napag-isipan to. (;ω;)