CHAPTER ONE

1.2K 18 0
                                    


CHAPTER ONE

The Beginning

-VINCE-


"Wag, parang awa mo na. 'Wag mo akong sasaktan. Aaaaaah!"


Agad kong pinatay ang TV, kasalukuyan akong nakaupo sa sala at nanonood ng palabas sa telebisyon. Horror ang genre nito ngunit sadyang di ko natagalang panoorin. Paano ba naman? Puro palahaw at pagmamakaawa lang ang makikita't maririnig mo. Mas mabuti pang kumainnalang ng ice cream.


Papunta na ako sa kusina nang tawagin ako ni dad.


"Vincent?" – dad


"Yes dad? What's up?" pabiro kong sagot sa kanya.


"I'm thinking of enrolling you to Heinrich State University." seryoso n'yang saad.


"Dad, I– "


"And I want you to take Business Administration, para naman alam mo how to run a business."pagputol n'ya sa sasabihin ko.


"Dad, I have plans." nag-aalinlangang sagot ko.


"Isn't it a good idea?" masiglang tanong n'ya sa'kin sabay tapik ng aking balikat.


I heaved out a sigh.


"Dad, I want to take Criminal Justice."


Agad na nakunot ang noo niya at maya-maya'y tumawa.


"Police? Hahaha! You actually want to become a police? Then what? Chase criminals and put them in the cellar?That is a total nonsense! You know that you are the only one who could replace me. Son, you're capable of handling our business. I know you do."mariing pagkakasabi n'ya sa akin.


"But dad –"


"My decision is final! You will go to Heinrich State University whether you like it or not." ma-otoridad n'yang sagot.


Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang. If I disobey him, I would be in a total sh*t. My life sucks! I've got all the wealth but I don't give a damn! I just want a normal life, live like others do. Pero alam kong wala akong mapapala kung ipipilit ko pa ang gusto ko. My dad is a powerful man. I'm left with no choice.

+++

Nandito ako ngayon sa Heinrich State University. I have to attend an orientation para sa course na kukunin ko. Naka-schedule kasi ang Business courses ngayong araw na'to.


Malaki ang university. Kulay itim at ginto ang kombinasyon ng gate. Sa pagpasok pa lang, bubungad na ang isang mahabang daan papunta sa HSU Gymnasium.


Lulan ng sasakyan ay pinagmasdan ko ang paligid.


My Death Scythe - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon