Stories behind the KILLERS and their MOTIVES

301 7 1
                                    

 Spoiler to guys! 'pag di n'yo pa tapos basahin ang MDS xD kyahahahaha.

 

<Author’s POV>

 

*Angel Grace Gimenez

Bata pa si Angel nung mamatay ‘yung mga magulang niya. Pero bago mangyari ang massacre, they kept on saying something habang natutulog siya pero di naman talaga siya tulog. Tabi kasi siya palagi sa kanyang daddy at mommy pag bedtime na. She always hears about BIG 12 pero wala pa siyang alam sa mga sinasabi ng mga magulang niya noon. Batid niyang may gustong ipaalam ang mga magulang niya sa kanya pero di nito masabi-sabi. Something’s restraining them from saying anything.

Then there was that night, nagtalo ang Daddy at Mommy niya. Galing sila sa work noon. Nagsisigawan sila noon at parang galit nag alit ang mommy nya sa kanyang dad. Nagtago nalang siya ‘dun sa kwarto niya, she has her own room pero doon siya lagi natutulog sa mama at papa niya. She cried silently, nagtatalo sila about money.

She was 7 that time and it was her first time seeing her parents quarrel over such matter. Hindi naman sila mahirap, madami silang negosyo. Pero bakit sila nagtatalo? Yun ang tanong na hindi masagot-sagot ni Angel dati. Nakita siya ng mama’t papa niya sa kwarto na tahimik na umiiyak. They have the looked of saying sorry. Inakap nalang niya ang mom and dad niya, telling them na ‘wag na mag-away.

They kept their promise. ‘Di na ulit nag-away ‘yung parents niya. They were trying to explain to her about sa kanilang pinagtalunan. Sa Big 12, sa pera, kay Edward. Hindi naman masyado maintindihan ni Angel so what they did was gradually tell her everything. Pilit nilang pinapaintindi ang lahat.

The night before Angel’s 9th birthday … her dad told her something. That one day, there will come some men … kukunin ang pera. The money her dad was referring to ay ang pera ng Big 12. Hindi nila ninakaw iyon, paulit-ulit na sinasabi ng kanyang daddy. It was their money all along. Her dad told her na nagquit na sila ng mommy niya sa Big 12. At nalaman ni Edward na tinangay nna Luke at Samantha ang pera. Kahit hindi maintindihan ni Angel ay nakinig pa rin siya. As if it would be the last time hearing his father’s voice.

They were eating dinner, advance birthday dinner. Nakagawian na nila na salubungin ang kaarawan ni Angel. Masaya silang naghahapunan at nagkukulitan.

Until such time came, nakarinig sila ng sunod-sunod na pagkalabog. The next thing happened? Patay na ang mga magulang niya. Sa harapan niya mismo! (refer to the PROLOGUE/Chapt. 9)

Hiniling niya n asana, pinatay nalang din siya ng Big 12. Total wala naman na siyang mga magulang, pero gag* sila … iniwan siyang mag-isa at walang-wala. She was crying her heart out nang mapagtanto niyang may mga pulis na pala.

Pansamantala siyang tumigil sa bahay-ampunan dahil under investigation pa rin daw ang lugar nila particularly sa bahay nila. Wala naman nahanap ang mga pulis na ebidensya o kahit na anong makpagtuturo sa Big 12.

Nalaman ng yaya ni Angel, si Aling Domita, na nasa bahay ampunan ang bata. 5 years old pa lang si Angel nang umalis ang kanyang yaya dahil kailangan daw nitong pakatutukan ang mga anak nitong mag-eelementarya na.

Kinuha ni Aling Domita si Angel sa bahay ampunan at panandaliang pinatira muna ang bata sa kanyang puder, sa probinsya. Tahimik lang si Angel at ‘di nagkikikibo, bigla nalang iiyak tapos magwawala. Walang magawa si Aling Domita, kaya napagpasyahan niyang doon nalang sila manirahan sa bahay ng bata upang maikonsulta si Angel sa espesyalista kasama ang kanyang dalawang anak na si Jacob at Fina.

Tinulungan naman si Aling Domita ng Family Lawyer nina Angel. Kababalik lang nito sa Pilipinas at nabalitaan ang nangyaring massacre kaya agad na hinanap nito ang anak nina Luke at Samantha. Iniwan nina Luke sa pangangalaga ni Atty. Jaime de Vega ang kanilang naiwang kumpanya.

My Death Scythe - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon