CHAPTER 4 - Horror House

500 12 3
                                    

-AMY

It’s been a month na din, hehehe. We got to know each other very well, hmmm? Nakaupo lang ako sa bleachers habang nanonood sa practice ng H.S.U. Dance Company. Nilapitan ako ni John at agad na may inabot na folder sa akin, si John ang aming president at ako naman ang secretary dahil sa block section kami kaya may officers. Hahaha! Tinignan ko ang laman ng folder at napasinghap…

“Next week ay ang HSU’s 24th Annual School Festival. Each department is assigned by categories; dapat may kanya-kanyang pakulo na naaayon naman sa course natin.” – pagpapaliwanag sa akin ni John.

Okay, ahm so what’s the plan? Kung by department ibig sabihin imemerge tayo sa mga higher years?” tanong ko sa kanya.

“Nope, they will serve as the costumers, hosts, guests at sila nalang yung maghahanda or magseset-up sa stage or some decorations. Yun kasi ang napagbotohan kanina, so as an aspiring business managers … tayo ang magprepresent ng ating entries. Nasa Category B tayo wherein “Carnival Theme” ang nakassigned.” – mahabang pagpapaliwanag n’ya sa akin.

Tumango-tango nalang ako at agad naman kaming nagtungo sa classroom, sakto namang pagdating namin doon ay pinapaliwanag na ni Prof. Jen ang about sa school fest. Tumingin si Mam sa aming direksyon at sinenyasan kaming dalawa na pumasok na.

“As I was saying, HSU will conduct its Annual School Festival. This week will be your preparation, and you are all recquired to participate, cooperate and contribute ideas.  The SF’s goal is not just to celebrate the founding of the University but also to develop your skills in the field you’ve chosen. Ang perang malilikom ay para sa charity na sinusuportahan ng HSU. Open ito sa lahat, so hope na maenjoy niyo to class. The following infos will be given by your class president.” – aniya Prof. Jen.

Pinaliwanag naman ni John sa lahat ang mga mangyayari, at kung ano ang gagawin nila. Pansin ang excitement sa kanilang mga mukha kaya naman mas lalong ginanahan si John sa pagsasalita.

“So again, Category B which means … Carnival theme, maaaring ferris wheel o kahit anong rides, but… I’m afraid sa iba ay yun ang gagawin.” Pahayag ni John.

“So ano nang plano?” tanong ni Jane.

Nakita kong parang nag-iisip pa sila ng kung ano man ang gagawin na hindi magiging cliché at old-fashion ang dating n gaming entry.

“Why don’t we try roller coaster?” pagsusuggest ni Jimmy sa lahat.

“Too expensive bro, kung bump car nalang kaya?” tanong naman ni Jed.

“How about itry natin yung Gypsy thingy, I bet bagay sakin ang costume. Hahaha” walang kwentang pahayag ni Arian. Papansin talaga, tss!

“Hmm? How about Horror house?” suhestiyon ni Andrew.

“That’s a good idea, but don’t you think na parang luma na ang dating n’yan?” – John.

“Wala namang luma kung may bago tayong ipapakita -----“ – angel.

“Why don’t we create death scenes, yung parang play ang dating?” pagputol ko sa sasabihin ni Angel.

“I think I would buy the idea nilang dalawa.” Saad naman ni Vincent.

“It would be nice, if magtutulungan lang talaga tayo…” – Kathy.

“Hmm? So ano sang-ayon kayo sa Horror House?” tanong ni John sa iba.

“Mas maganda rin kung gagawin nating maze yong house, na yung tipong masusulit talaga ng customer ang kanyang binayad?” – Andrew.

Sumang-ayon naman na ang lahat kaya agad ko ng sinulat ang aming entry sa folder na ibinigay sa akin kanina ni John. Hehehe, excited na akoooo! Kita rin naman sa mga kaklase ko ang excitement, eh sino ba naman di maeexcite, bukod sa freshmen kami at first time namin to … field at forte ko pa ang napagdesisyunang entry. Wooot! Wooot! Hahaha.

-KILLER

Habang nag-uusap-usap ang sila sa gagawing entry ay lihim akong napapangiti. Kanya-kanya ng opinyon at suhestiyon kaya naman ay di ko maiwasang matuwa sa maaaring mangyari.

“Hmm? How about Horror house?” tanong ni Andrew.

 BINGO! I guess luck is on my side… sa isip isip ko. Hahaha …

Nagpatuloy lang ang aming pagpupulong at napagdesisyunan na ng lahat sa wakas na Horror House ang gagawin. Well, this is gonna be exciting … tinignan ko ang mga masasayang pagmumukha ng aking mga kaklase at di ko mapigilang magbunyi dahil sa mga nangyayari. Pero I need to compose myself, dapat di nila ako mahalata.

Nagsisiyahan na ang lahat at kanya-kanya ng usapan, habang ako ay nakaupo lang sa aking puwesto at nag-isip-isip ng sa aki—ay este aming plano. Nakita kong papalapit Siya sa akin at agad na tumabi …

“How was it? Masaya ka ba?” tanong niya sa akin na may nakakalokong ngiti.

“Yes…” tipid kong sagot. Ayokong basagin niya ang tuwang nararamdaman ko ngayon.

“So? You’re up to something na?” pangungulit nito. Tiningnan ko nalang siya at magsasalita na sana nang mapansin kong tumitingin si Arian sa gawi namin. Mataman ko rin siyang tinignan, pati na tung iba … you should all enjoy your last days, while you still got the chance to. Napasmirk nalang ako sa naisip ko at agad na akong tumayo.   Hindi ko na sinagot ang tanong niya at agad na tumayo’t nakisali sa pag-uusap ng aking mga kaklase.

***********

Thanks for reading! :)

My Death Scythe - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon