CHAPTER 5 - The Preparations

402 10 3
                                    

-THIRD PERSON

Abala ang lahat sa kani-kanilang mga gagawin. Lahat sila ay naghahanda na para sa School Fest ngunit lingid sa kanilang kaalaman na sa ginagawa nila ay parang pinapaboran nila ang plano ng salarin. Maaaring ito na ang huling masasayang araw nilang lahat. Hindi naman mapawi ang mga ngiti ng salarin sapagkat hindi na s’ya mahihirapan sa kanyang mga dapat gawin at tapusin.

“Ahm, guys? Tulungan niyo naman ako sa pagbitbit nito oh?” pakiusap ni Jane. Agad naman na tumulong si James sa rito at inagaw ang mga bitbit nitong materyales. Nagtilian naman ang lahat dahil sa ginawa nito. Vocal si James sa kanyang pagkagusto kay Jane, alam lahat iyon ng kanyang mga kaklase.

“Hihihi! Nice one bro, pagentleman effect. MADAPAKA-GENTLEMAN … Hahahaha!” panunukso sa kanila ni Jimmy.

“Ang sweet naman … kiss naman jan Jane para sa pagiging gentle--- array naman“ dugtong ni Andrew na agad nakatanggap ng batok mula kay Amy.

 

“Heh! Tigilan n’yo nga silang dalawa at magfocus nalang kayo sa mga ginagawa niyo.” Asik ni Amy ngunit sa halip na tumigil eh mas lalong nagtilian ang kanyang mga kaklase. Rumehistro ang pagtataka sa mukha nito.

“Hala ka Andrew, galit si miss secretary … hahahaha!” saad ni Angel dito.

“Ang sabihin mo, galit yan kasi gusto rin n’yang maging sweet ka sa kanya.” Pagdudugtong ni Vincent sa sinabi ni Angel.

“Uyyyyy!” in unison na pagkakasabi ng lahat.

Agad namang namula ang pisngi ni Amy sa ginawang panunukso ng kanyang mga kaklase. Naghiyawan ang lahat ng mapansin ang pagblush niya,  tinakpan nalang nito ang kanyang mga pisngi at nilingon ang gawi ni Andrew. Nakangiti lang ito na para bang natutuwa sa panunukso ng lahat. Inismiran nalang ito ni Amy at nagkunwari nalang na busy-busyhan.

“Hahaha! Kunwari busy pero sa loob-loob niyan kinikilig. LOL!” hindi pa rin tumitigil na panunukso ni Jimmy.

Hindi na rin ito nakatiis at agad na sumagot. “Sige, pagtripan n’yo lang ako … Andrew! Alabyuuu!” nakangising saad nalang ni Amy. By virtue of no choice ay sinakyan nalang nito ang pangti-trip sa kanya ng kanyang kaklase.

“Alabyuuu too!” sagot naman ni Andrew. Nagtilian naman ang lahat at naghiyawan dahil sa dalawa.

Walang humpay na kulitan at asaran ang naganap habang nagprepara sila sa kanilang magiging entry. At habang abala ang lahat ay abala rin ang salarin sa pagpaplano sa kanyang mga dapat gawin.

-JANE
 

 

Patuloy parin ang asaran at kulitan ng klase, nakakatuwang isipin na sa loob ng isang buwan ay close na close na ang silang lahat. Pinagmasdan ko silang lahat, sina Jimmy at Vincent ay abala sa pagpi-paint, si Angel ay kasalukuyang sinusukatan sila Andrew at Jed para sa kanilang susuotin dahil ang dalawa ang magsisilbing killer sa kanilang horror play habang si Amy, Arian at Kathy ay abala sa paggawa ng mga props na kanilang ilalagay sa loob ng Horror Maze House. Samantalang sina John, Drake at James ay masyadong busy sa pag-a-assemble nung mga figures na gagamiting panakot. Hindi ko talaga maiwasang mapangiti dahil yung mga ginagawa namin ay parang sa anime lang, yung magpeprepare for their shool’s festival … Hahaha! Ako na addict.

Nakikita ko rin ang tuwa sa mga mukha nila habang ginigawa ang mga assigned works namin. Maayos na hinati-hati ni John ang lahat upang mas mapadali an gaming preparasyon, one week lang ang ibinigay sa amin kaya naman todo ang aming pagpapabilis sa aming mga kilos. Pinuntahan ko na si Angel dahil kaming dalawa ang naatasang gumawa nung mga costumes for the figures to be used at sa mga killers kuno, hehehe. Magaling ako pagdating sa mga ganito dahil nagco-cosplay ako at ako lang ang gumagawa ng costumes ko … kumpleto naman ako sa gamit.

“Anong mas bagay? Lagyan ng hood o mascara nalang ang gamitin?” tanong ni Angel sa akin.

“Mas maganda kung may hood at mask para mas creepy ang dating” – ako.

“okay, uhm ? How about a combination of Red and Black yung cape?” – Angel.

“That would be nice!” ngiting sagot ko. Matapos masukatan ang dalawa ay agad na naming sinimulan ang pagtatahi nung costume, I can’t wait to see the outcome.

------------

“Okay, everyone … let’s call it a day.” Saad ni John sa amin.

Mga bandang alas-diyes na ng gabi namin napagpasyahang magpahinga na. Halata ang pagod sa aming mga mukha, at ang iba ay halatang inaantok na. Niligpit muna naming ang mga kalat, kami nalang ni Amy ang naiwan dahil ang iba ay umuna ng tumungo sa dorm. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob, pinagmasdan ko si Amy habang inaayos ang mga gamit na nakakalat.

“Tomorrow is the last day for the preparations, sana matapos na kaagad natin to.” Saad ko upang mawala ang takot na nararamdaman ko. Eh masyado naman kasing tahimik, at tanging ilaw ng room nalang naming ang nakabukas dahil malalim na rin ang gabi.

“Yeah, hope so…” tipid nitong sagot. Halatang pagod na talaga ang isang ‘to. Ako naman dito eh nangangati na ang paang umalis pero ayokong maglakad sa corridors mag-isa no! baka may multo at sagupain agad ako, Huhuhu T^T …

“Uyy Amy, tama na yan … babalik rin naman tayo rito bukas. Punta na tayo sa dorm, nakakatakot narin kasi eh, tayo nalang ang naiwan rito.” Sabi ko sa kanya nang hindi ko na talaga matiis ang kaba. Sorry naman, eh sa takot ako sa multo.

Nakita kong ngumiti si Amy ng nakakaloko, naiinis man ako dahil alam ko kung ano ang iniisip niya ay binalewala ko nalang.

“Are you scared? What if someone will come here and kill us like there’s no tomorrow?” ngiting saad nito. Nakakatakot ang ngiti niya …

“Amy stop that, natatakot na ako rito … huhuhu” sita ko sa kanya.

 

“Oh? I’m not kidding here … chances are na may killer talaga at …” lumapit siya sa akin ng konti.

“A-a-at?” tanong ko while shaking, natatakot na talaga ako sa babaeng to. Huhuhu!

 

 

Ang kasunod niyang sinabi sa akin gave shivers all over my body. Hanuuu daw? Brutally kill us? Huhuhu. Agad siyang lumapit sakin at …

“Booo!” … sa ginawa niyang iyon ay di ko na napigilang sumigaw.

*Click* tunog ng camera ang narinig ko at may gana pa talaga itong kuhanan siya ng picture habang takot na takot na sumisigaw. Tiningnan ko siya ng matalim, agad naman itong tumawa at nagsalita … “Hehehe, di ko alam na matatakutin ka pala Jane … haha! Did you see that James?” tawang tawa pa rin na sabi nito.

Automatikong napalingon ako sa likod at nakitang nakatayo si James sa may pintuan, nagpipigil ng tawa. Arrrrrrgh ! ginu-goodtime nila talaga ako! Pasalamat sila at wala ako sa mood na pumatol kung hindi malamang nasa hukay na talaga tong mga ito. Napansin naman siguro ni James na nagpipigil lang ako sa inis kaya nagsalita na ito.

“Malalim na ang gabi, you should go to your rooms and have some good sleep. Bukas nalang yan …” – James.

Tinungo na naming ang daan papuntang Dormitory. Haaay ! salamat na rin at dumating ‘tong si James, natatakot talaga ako. G-R-R-R ! this will probably be the last for good, ayoko ng magoodtime ulit.

************

Thanks for reading! :)

My Death Scythe - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon