<Killer’s POV>
Agad akong bumalik sa HMH na parang walang nangyari. Ang saya sa pakiramdam na unti-unti ko ng nakukuha ang gusto ko, ang makapaghiganti! Just wait R#13 and witness what I’ll do just to see you all beg for your lives.
“Uyy? ‘san ka galing?” tanong niya sa akin.
“None of your business.” Asik ko sa kanya.
“Yeah it’s none of my business but Kathy’s missing, did you see her? Kanina pa ako naghahanap sa kanya.” Tanong na naman nito. Aish! Ba’t ba kasi ang kulit ng taong ‘to.
“Ewan…” saad ko. Ewan ko? Baka pinatay ko na, hahaha! – sa isip ko.
“Ahh, okay. Sige mananakot muna ako doon, baka sabihin pa nilang di ako tumutulong.” Nanlulumo niyang sabi.
Agad na siyang nagtungo sa terror area ng maze, kabisadong-kabisado ko ang HMH. Pumunta muna ako sa theatre area at doon sumalampak sa upuan. Magpapahinga muna ako, time-out muna sa patayan. May mas maganda pa akong plano kesa ‘dun sa naging plano kuno namin. Isinaksak ko sa tenga ko ang aking earphones at nakinig sa paborito kong music, Secrets by One Republic. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata at agad naman akong nakatulog …
* Kasalukuyan kaming kumakain nina mommy at daddy sa hapag nang may sunod-sunod na pagkalampag sa pintuan ang narinig namin. Agad na napabalikwas si daddy at tinungo ang bintana, sinilip niya kung sino ang kumakatok sa pintuan at agad na nanlaki ang kanyang mga mata.
“D-dad? Who’s on the do---“ hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sinenyasan ako ni daddy na tumahimik. Tiningnan ko si mommy at nakita ang takot sa kanyang mga mata.
“Mom? What’s happening?” tanong ko sa kanya ng may halong pagtataka.
“Shhhh. Everything’s gonna be fine baby okay?” saad niya sa mahinang boses.
Agad kaming nagtungo sa kwarto nina mommy at inilock ni daddy ang pinto. May mga sinabi siya na nagpagulat sa akin.
“Anak, the Big 12’s here, you’ll not understand if I’ll try to explain … you’re too young. Just stay in this closet and never attempt in making any noise. Kahit na anong marinig o makita mo, remain quiet.” Utos niya sa akin nang may halong pangamba. Tumango ako ng sunod-sunod at agad na nakarinig na naman ng mga pagkalabog sa pintuan ng kwarto. Niyakap ako ni daddy at mommy.
“I may never see you grow up baby… Now hide!” naiiyak na saad ni mommy sa akin at agad akong itinulak papasok sa closet.

BINABASA MO ANG
My Death Scythe - EDITING
Mystery / ThrillerI hate that I love to kill you ... I'm willing to do horrible things for a cup of vengeance. I would rather turn myself to a monster whom I hate the most. For I desire revenge, and REVENGE alone.