<3rd Person’s POV>
Nagpalakpakan ang mga manonood sa kanilang nasasaksihan ngayon. Paniwalang-paniwala sila na parte lang ito ng play. Mistulang naguguluhan si Vincent sa mga tingin ni Arian, para itong nagmamakaawa, magaling umarte si Arian alam ng lahat iyon dahil nakita nila mismo ang kagalingan nito noong rehearsals pa lamang kanina. Pinraktis nila ang kanilang mga ekspresyon sa mukha para mas maging makatotohanan ang mangyayari. Kaya ininda nalang ni Vince ang kanyang nararamdaman.
“Ang galing nila!” saad ni Amy na mistulang nasisiyahan.
“They sure are good actors and actresses! Hahaha” segunda naman ni James..
Tumayo ang salarin at tinungo ang mga nakahilerang gamitan, namimili na naman siya ng kanyang susunod na gagamitin. Kinuha nito ang isang long-nose plies. Nanlalaki ang mga mata ni Arian at naiiyak na. Pumuwesto na naman ang salarin sa kanyang harapan at mistula pang nang-aasar dahil idinampi pa nito sa pisngi ni Arian ang long-nose. At walang anu-ano’y pilit nitong hinuhugot ang kuko ni Arian sa mga daliri, sigaw lang ng sigaw si Arian ngunit hindi siya makapagsalita dahilan sa pinutol ng salarin ang kanyang dila, panay rin ang paglabas ng dugo mula sa kanyang bibig. Tuluy-tuloy lang ang salarin sa ginagawa at parang nasisiyahan pa ito. Itinigil nito ang paghugot sa kuko ng hintuturo ni Arian ngunit kitang-kita na malapit na itong matanggal. Lumalabas ang maraming dugo sa kanyang mga kamay at tanging iyak lang ang nagawa ni Arian. Nakatali pa rin ito sa upuan at wala ng lakas na magpumiglas.
Nagpalakpakan na naman ulit ang mga manonood ngunit may ibang napapangiwi na sa kanilang nakikita, may iba rin na di nakayanan at sumuka na talaga. Matapos mahugot ng salarin ang kuko sa hintuturo ni Arian ay naglabas na naman ito ng isang napakatalim na kutsilyo, pinagmasdan muna ng salarin ang nanghihinang si Arian. Idinampi ng salarin ang kanyang patalim sa pisngi nito at nanlalaki ang mga mata ni Arian kung ano ang kasunod nitong gagawin sa kanya at maya-maya lang ay nilalaslas nito ang kanyang pisngi na nagmistulang karne. Lumabas ang maraming dugo mula sa pagkakahiwa at tumayo na ang salarin upang kunin ang isang garapon. Magkahalong hapdi at kirot ang nararamdaman niya dahilan ng pagtama ng kanyang mga luha sa nakabuka niyang sugat sa pisngi at ang mas ikinaiyak niya ay nang mapagtantong isang garapon ng asin ang hawak-hawak ngayon ng salarin. Lumapit na ito sa kanya at pilit na iniiwas ni Arian ang kanyang pisngi rito, hinawakan siya nito sa baba at kaagad binudburan ng asin ang nakaluwang laman ng kanyang sugat. Nilagyan rin nito ng kakarampot na asin ang daliri ni Arian at tanging iyak lang ang naging tugon nito. Ilang minuto ang lumipas ay ginilitan na nito ng leeg ang kawawang babae at sumirit ang napakamaraming dugo. Nagpalakpakan ang lahat at naghiyawan, maya-maya lang ay nagsilabasan na ang mga nanood ng play.
Naiwan sila James at Jimmy na hindi makapaniwala sa nasaksihan. Parang sila lang ang nakakapansin na parang totohanan ang nangyari kanina. Si Amy ay kasalukuyang dinadaluhan ni Vincent sa pagsuka dahil di na nito nakayanan ang nasaksihan. Kinakabahan man ay nilapitan parin nilang dalawa ang salarin, tumigil sila isang metro ang layo rito. Nagtutulakan ang dalawa kung sino ang lalapit rito pero sa huli nilapitan nalang ni James ito.
“Wow p-pre! Ang g-galing mo kanina! you a-all did a g-great job!” masiyang bati nito ngunit ramdam pa rin ang kaba sa kanya.
Walang naging imik ang salarin at agad naman na hinawakan ni James ang balikat nito. Pinagmasdan niya si Arian at parang masusuka na siya. Nakatayo lang ang salarin sa mga nakahilerang kagamitan at maya-maya’y inilapag nito ang garapon na hawak-hawak. Lumapit si Jimmy kay Arian at agad na nagsalita.
“Hey! Guys! Ang galing n’yo naman! Good job. Tapos na ang play. Tama na yang acting niyo.” – Jimmy habang binabadbad ang taling iginapos kay Arian.
BINABASA MO ANG
My Death Scythe - EDITING
Mystery / ThrillerI hate that I love to kill you ... I'm willing to do horrible things for a cup of vengeance. I would rather turn myself to a monster whom I hate the most. For I desire revenge, and REVENGE alone.