CHAPTER 12 – Who to BLAME!?
A/N : I know SABAW ang story ko xP ... pero forte ko SERIALKILLING eh! at HORROR/THRILLER/SUSPENSE movie, books at end of thinking capacity kinahihiligan ko. Tsaka sa fiction nato, malaya kong nagagawa ang gusto kong gawin sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manlait sa kapwa! hihihi :'3 atleast dito nabibigyan ko ng hustisya ang nagwawala kong imagination (brutal!) . anyways, lovelots .... sa mga bumasa, bumabasa, magbabasa, babasa pa at hindi na babasa sa story na'to! Really, wagas na appreciation at masigabong clap.clap para sa inyo ;) .. sabog Confetti na pulos kulay itim ! vwahahahahaha ... labyuuu guys!
<Jimmy’s POV>
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, hindi ko mawari kung nasaan ako. Nakaramdam ako ng bahagyang sakit sa ulo ko, akmang hahapuin ko ito nang mapansin kong di ko maigalaw ang aking mga kamay. Natatalian ito ng makapal na lubid, ipinikit ko uli ang mga mata ko. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari. Hinahanap namin ang aming mga kasama, nagbabantay ako sa may pinto habang sina James at Vincent ay kinakalagan ang mga ito, maya-maya lang ay may kung sinong pumukpok sa ulo ko at agad na nagdilim ang madilim ng paligid. Sh*it! The killer got us! – napamura nalang ako sa isip ko nang mapagtanto ko ang mga nangyayari. Nakarinig ako ng mga yabag, at kaluskos … napapangiwi ako sa aking naririnig, mistulang bakal na sumasagadsad sa sahig. Habang tumatagal ay mas lalo itong lumalakas, agad na nagsitayuan ang aking mga balahibo nang may kakatwang pigura ang nakatayo sa harapan ko. May hawak-hawak itong malaking palakol!
“Let me ask you … “ panimula ng salarin. Nakasuot pa rin ito ng black-clad at maskara. “Are you prepared to die?” dagdag pa nito na may halong tawa.
“A-ano bang nagawa n-namin sayo? You son of a b*tch!” pagmumura ko nalang, takot na takot na ako. Hindi ko alam na hahantong ako sa ganito, ayoko pang mamatay.
“Oh? Really … tingnan natin kung sino sa’ting dalawa ngayon ang anak ng p*uta!? Kilala mo ba si David? David your father? The one who harassed my mother!? Alam mo ba ang kahayupang ginawa ng mga magulang niyo sa mama ko! Kung paano binaboy ng hayop mong ama ang mommy ko, alam mo ba ang pakiramdam na masaksihan sa sarili mong mga mata ang kalaswaang ginawa ng t*ng-inang ama mo!?” utas niya sa nanggagaliiting boses.
Nanlalaki ang mata ko sa aking mga nalaman. Hindi ko mahimigan ang kanyang boses, parang gumagamit siya ng voice-changer. Pero kahit ganun, ramdam ko pa rin ang poot sa kanya. Ginawa ba talaga ni papa yun?
“I-I d-don’t know …” nasabi ko nalang. Magkahalong kaba at gulat ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Now … sino sa atin ngayon dapat masabihan ng anak ng mga walanghiya!?” sigaw niya sa akin.
<3rd Person’s POV>
“Well, so much for that … kita mo’to?” sarkastikong saad ng salarin habang itinuturo ang palakol na hawak-hawak. Agad naman na nanlalaki ang mga mata ni Jimmy nang mapagtantong maaaring katapusan na niya ngayon. ‘Diyos ko, tulungan n’yo po ako’ taimtim na panalangin ni Jimmy. Dandahang binubuhat na ng salarin ang dalang palakol. Napapikit nalang si Jimmy at pilit na tinatanggap na oras na niya para mamatay. Handa ng ihataw ng salarin sa kanya ang palakol –
“S-sandali lang … p-pls, making ka muna s-sa akin? p-parang awa mo na, g-gusto kong malaman k-kung b-bakit kailangang pumatay k-ka pa? G-gugstuhin kaya n-ng mga maagulang mo n-na m-maging katulad k-ka dun s-sa mga p-pumatay sa k-kanila? b-bakit ‘di mo –“ hindi na natapos pa ni Jimmy ang sasabihin ng bigla-bigla nalang hinataw ng salarin ang palakol … sa gilid niya. Ramdam niya ang malakas na hangin na humawi sa medyo mahaba-haba niyang buhok dahil sa impact na dulot nito. Nanigas si Jimmy, muntik na siyang mahiwa sa dalawa! Pero bakit? Bakit di tinuloy ng salarin ang kanyang ginawa? Nabigla siya sa inakto ng salarin, nakarinig siya ng mga hikbi at mas ikinabigla niya ang pagtanggal nito ng maskara! Kitang-kita niya ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa mga mata ng salarin! Kitang-kita niya ang galit, sakit at poot nito … ramdam na ramdam niyang nasasaktan ito! At alam na niya ang pagkatao ng salarin! Kung sino siya!
“K-kung nasasaktan ka … andito naman kaming m-mga kaibigan mo. Handang damayan ka, pwede namang wala ng dugo ang d-dumanak diba? Para –“
“You never knew w-what I’ve been through after t-that massacre! Buhay ang kinuha k-kaya buhay rin ang kapalit! Kailangang may managot! I-ikaw!!! Kung ikaw ang nasa katayuan ko J-jimmy ha! You would kill also to prevail the j-justice! Walang ginawa ang mga hayop na mga pulis p-para makamit ko a-ang hustisya! They w-were easily bribe by t-that damn Big 12! Arrrrrgh, how I hate that Big 12!!!!!!” patuloy niyang iyak habang nagwawala… at habang nagwawala sang salarin ay ito ang ginawang tiyempo ni Jimmy para makatakas. Dandahan niyang kinakalag ang lubid na bahagyang nahuhubad na sa kanyang kamay. Kahit masakit at ramdam niyang namumula na ang kanyang kamay ay patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Kailangan niyang maligtas ang mga kaibigan niya!
----------
<Vince’s POV>
Dandahan kong minumulat ang mga mata ko, nakaramdam ako ng hapdi sa bandang noo ko. Naalala ko na dumating ang salarin kanina! sh*t! Anon g gagawin namin! Ramdam kong hindi ako nag-iisa sa loob. Nakarinig ako ng impit na ungol. Kathy! Ngali-ngali kong banggitin ang pangalan niya. Magkatalikod kaming nakatali.
“Kathy? Ikaw ba yan?” usal ko. Pero wala akong marinig kundi pawang impit na ungol lamang. Parang may busal sa kanyang bibig kaya hindi siya makapagsalita.
“S-shh, k-kathy you need to stay calm. Makakatakas tayo.” Saad ko at pilit na inaabot sa likurang bulsa ko ang mini-cutter na nakita ko doon sa props room. Napapangiwi nalang ako at impit na napapaungol dahil sa sakit, matagal-tagal rin bago ko nakuha ang mini-cutter. Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas at sinimulang putulin ang makapal na lubid. Maya-maya ay nararamdaman kong unti-unti ng nababadbad ang lubid, kaya mas binilisan ko pa. Matapos kong kalagan ang aking sarili, agad kong hinarap si Kathy at tinanggal ang busal sa kanyang bibig.
“A-anong n-nangy-yayari V-vince? B-ba’t tay-yo nakat-tali?” nanginginig at humuhukbi niyang tanong.
“S-shh, there’s someone out there ripping each of our throats! Pero wag ka mag-alala okay? Everything’s gonna be fine. Now hold still.” Pagpapakalma ko sa kanya, tumango nalang siya at mabilisang binadbad ko ang kanyang tali. Agad kaming tumayo at tinungo ang pinto ng biglang nagsalita si Kathy na ikinagulat ko.
“I k-know who the k-killer is …” napahinto ako sa kanyang sinabi. She knows who that bastard is!? Marahas akong napaharap sa kanya at hindi nagsalita. Hinayaan ko siyang ipagpatuloy ang kanyang sinasabi.
“I saw t-the killer with my o-own eyes! T-the one w-who abducted m-me and t-the one w-who’s killing us one by o-ne is … Jane!”
**********
No Proofreading, pasensOri sa TYPOs xP
Thanks for READiNG! :)
GODbless!

BINABASA MO ANG
My Death Scythe - EDITING
Mystery / ThrillerI hate that I love to kill you ... I'm willing to do horrible things for a cup of vengeance. I would rather turn myself to a monster whom I hate the most. For I desire revenge, and REVENGE alone.