-JAMES
Kasalukuyan kaming nandito sa aming room, we are throwing a party. Last day of preparations na and tomorrow, magsisimula na ang Festival. Lahat kami rito ay hindi na mapakali kung papatok ba ang aming napiling entry.
“woooohoooo! Excited mutss na talaga ako!” hiyaw ni Andrew habang kumekembot-kembot na akala mo’y nangangati yung puwet. Haha!
Pinagmasdan ko ang aking mga kaklase na di mawala-wala ang mga ngiti, yung iba nakikisabay sa paghiyaw ni Andrew. Yung iba naman ay kumakanta habang umiindak sa galak at mayroon ding wapakels, kain lang ng kain. Nakita kong kumakanta rin si Jane kasabay nina Jed, pinagmasdan ko siyang maigi at napadako ang tingin ko sa mga labi niyang parang nang-aakit at mga matang napakainosente. Hindi talaga nakakasawang tingnan ang babaeng ‘to –
“Yung totoo, hindi pa ba napupunit yung mga labi mo kakangisi diyan? Hahaha!” putol ni Jimmy sa pag-iimagine ko.
“Tss! Panira ka naman Jim eh!” asik ko sa kanya, panu ba naman? Putulin ba yung ginagawa ko.
“Asus! Galit-galitan? Kung alam ko lang, hinahalay mo na yang si Jane sa isip mo! Wahahahaha” tukso niya sa akin.
“Ulol! Katayin kita d’yan eh!” asik ko sa kanya.
“hahaha! … pero bro? seryoso, mahal mo na ba siya?” – Jimmy.
Napatulala ako sa tanong niya, mahal ko na ba talaga siya? Masyado naman atang mabilis, pero – “Oo, mahal ko na siya.” Saad ko. Nabigla ako sa sinabi ko, pati narin si Jimmy.
“woah! So, ano na?” – siya.
“Anong ano na?” – ako.
“Eeeeh! Ang slow mo dre! Ang ibig kong sabihin … ano ng plano mo, liligawan mo na ba? Kailan ka magtatapat?” – siya.
Napatigil ako ng makitang lumingon si Jane sa may gawi ko, nagtagpo ang aming mga mata at nginitian niya ako ngunit agad namang ibinalik ang tuon sa pagkanta. Maingay sa loob pero rinig na rinig ko pa rin ang kabog ng puso ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tanong ni Jimmy. “Pagkatapos ng School Festival, I’m going to court her. I love her Jim and after this event I will surely make her say yes, I’ll prove to her my worth.”
Nakita kong ngumiti siya na agad namang napalitan ng tawa. Seriously? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko. Agad naman niyang napansin na nakakunot ang noo ko habang tinitignan lang siya. Tumigil naman ito sa kakatawa at agad na tumikhim bago magsalita.
“I’m sorry bro, hahaha! It’s just that – sheet! Ang lalim nun pre! Parang hinugot galing sa lupa, hahaha! Di ko alam na ang corny mo pala! LOL .. eksdii, eksdii! Hahahahahaha” – siya habang tatawa-tawa na kala mo’y kinikiliti ng milyon-milyong maligno.
“Ang galing mo ring manira ng mood no? tong gag*ng to, hahaha! Pero seryoso ako dun ulol!” pakikisabay ko narin sa tawa niya. Sa lahat, si Jimmy ang napakalapit sa akin … Masaya kasi itong kasama, sa sobrang saya wala kang magiging matinong pakikipag-usap sa kanya.
“I know …” seryosong sagot nito.
- - - - - - - - - -
-VINCEPapatapos na ang kasiyahan sa araw na ito, at bukas na bukas magsisimula na ang Festival. Pinagmasdan kong nagkukulitan sina Amy at Angel, di ko alam pero parang kinakabahan ako. Naging sunod-sunod kasi ang mga anonymous letters na natatanggap ko, natatakot ako sa posibleng mangyari. Natatakot ako na baka totoo lahat ng yun at mawala sa akin si Angel.
Pinapakita ko na may interes ako kay Angel dahil yun naman talaga ang totoo … gusto ko sya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ang sabihin sa lahat na may natatanggap akong threat letters pero baka di lang nila ako paniwalaan. Sinubukan ko ng i-open up sa kanila na wag nalang naming ipagpatuloy ang aming entry pero tinawanan lang nila ako.
BINABASA MO ANG
My Death Scythe - EDITING
Mystery / ThrillerI hate that I love to kill you ... I'm willing to do horrible things for a cup of vengeance. I would rather turn myself to a monster whom I hate the most. For I desire revenge, and REVENGE alone.