CHAPTER 7 - It has Begun

315 9 2
                                    

<Angel’s POV>

“Omo! Andaming tao dito sa H.S.U! It’s unbelibabells!” nakakabinging saad ni Amy sabay lundag-lundag.

“Like duh, Amy? Could you just shut your mouth? Ang ingay mo! Pramis!” natatawang sagot ko nalang sa kanya.

Andito kami ngayon sa gym, naghihintay na opisyal na simulan ang School Festival. Nagkukumpulan ang mga tao at kanya-kanyang ingay sa loob, lahat ay halatang excited na. Pati rin naman ako, excited … sobrang excited, hahaha! Grabeng pagpapawis ang nagawa namin nung mga nakaraang araw para dito, maraming nag-aabang sa aming entry kasi nga bago raw. Ang galing din ng pagkakagawa namin nung mga props kaya naman nakaka-engganyo talaga. Opcurs! Kasi isa ako sa gumawa nun!

Nakita kong papalapit si Vincent sa gawi namin kaya kinawayan ko s’ya.Sa isang buwan at kalahati naming pagsasamang isang section? Napakatight na talaga nung bond naming lahat.

“Goodmorning everyone! Today is the day, dito na natin masusukat kung gaano kahuhusay at kagaganda ng mga entries each department. Pero don’t forget the fun we will experience … this week is worth remembering! …” panimula ng emcee. Madami pa s’yang sinasabi pero di ko na masyadong mapakinggan kasi panay ang hiyawan ng mga tao. Lahat sila halatang excited sa magaganap.

“Hey? Tabi ako ah?Hehehe.”Saad ni Vince. Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala sya.

“Sure!” – ako sabay ngiti.

Umupo siya sa tabi ko at seryosong nakikinig sa mga sinasabi ng emcee. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mukha, napakaamo nito – kung sana--- … Lumingon sya sa gawi ko at nahuling nakatingin ako sa kanya, kaya agad akong napabalikwas. Tumawa nalang sya ng marahan at muling ibinaling ang tuon sa nagsasalita sa stage.Marami pang sinasabi ang emcee ngunit hindi ko na napakinggan dahilan na rin sa nakatuon ang atensyon kokay Vincent.

“Hoy! Babae !”– Amy sabay tapik sa braso ko.

Napukaw ang pansin ko dahil sa pagtapik ni Amy sa akin. Katabi ko lang ito at nakita kong nakangisi siya habang humahagikgik na para bang kinikiliti ng kung sino.

“Hoy ano! May sapi ka?” takang tanong ko sa kanya.

“Hihihi! :’3  … di ko alam na malandi ka rin pa lang babae ka.” – siya

“Anong pinagsasabi mo?”– ako.

“Hmm, kunyare ka pa. Eh kung marshmallow pa lang yang katabi mo malamang kanina pa natunaw sa mga titig mong mahalay ka! Hihihi” – siya sabay tawa-tawa habang taas-baba ang kanyang balikat.

“Eeeeeeeeeh? Hindi aa!” giit ko sa kanya.

“Shhhh! Marinig ka n’yan. Hehe, ang ibig kong sabihin … may gusto ka sa kanya.Halatang-halata Angel. Kulang na lang maglaway ka dyaan. Haha”natatawa na ewan ang mukha niya.

“Hindi aa. Wala akong gusto kay Vincent, pinagmamasdan ko lang siyang nakikinig.” Depensa ko sa aking sarili. As if naman magkakagusto ako kay Vince, eh kaibigan lang turing ko sa kanya.

“Sayo na rin nanggaling na pinagmamasdan mo sya.Hahaha , so it means in.te.re.sa.do ka?” pagpapatuloy niya na diniinan pa talaga ang interesado.

“Aish! Bahala ka anong gusto mong paniwalaan, basta wala ..wala akong gusto sa kanya. PERIOD!” bulong ko sa kanya na halatang naiinis na ako.

<Vince’s POV>

Umupo ako sa tabi ni Angel at maiging nakikinig sa mga sinasabi nung emcee. Isa si John sa mga nag-organize nitong festival dahil siya lang naman ang anak ng may-ari ng H.S.U. na kasalukuyang nasa ibang bansa kaya namanmag-e-speech ang loko. Malawak ang area na sinasaklaw ng oval at ang aming Horror Maze House ay doon sa pinakadulo. Kasi malaki-laking espasyo ang kinakailangan kaya solong-solo namin ‘yun. Nakaramdam ako na may tumitingin sa akin kaya lumingon sako sa gawi ni Angel at hayun, nalaglag ang panga ko dahil sa ganda niya. Agad siyang umiwas ng tingin pero hindi nito naikaila ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Tumawa nalang ako at ibinalik ang atensyon sa nagsasalitang si John ngayon.

“We all know that one week is not enough to prepare everything we need for this event; to think that each entry has its uniqueness among others. But we all made it, I’m impressed! It would take time to thank you all one by one for making this event successful. So guys, we should enjoy every bit of second that would pass … for it is worth remembering. In behalf of my father who’s not here because he’s out of town … I declare that this Annual School Festival has officially started!”

At agad na naghiyawan ang mga estudyante at ang mga outsiders, pati narin ang mga kaklase ko na halatang excited ng manakot. Pero what the fv*ck, kanina ko pa ‘to nararamdaman … worth remembering? Bakit iba ang kahulugan nun para sa akin? Nandito pa rin yung takot ko sa mga posibleng mangyari.  Aish! Mababaliw na ata ako, pero di ko hahayaang may mangyaring masama sa R#13 lalong lalo na kay Angel.

<Killer’s POV>

Woooohooooo! Nakikisabay ako sa paglundag-lundag at hiyawan ng mga tao sa paligid. Alam n’yo ba yung sayang nararamdaman ko ngayon? Sabik na akong isa-isahin sila, at akalain mo naman ang ganda ng setting na napili ko … dun ko sila unti-unting lalagasan sa entry na mismong sila ay oo nga pala kami ang gumawa. Para mas exciting diba? Pwedeng now na? hahaha, pero patience muna ako … Hmmm? sino kaya uunahin ko ? siya … siya o siya? Ahh alam ko na? Siya! Sabay tingin ko sa gawi niya na may makahulugang ngiti … Patay ka sa akin mamaya for the “Bloody Festival” has begun.

***********

Thanks for reading! :)

My Death Scythe - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon