<Amy’s POV>
“Guys! STOP running! Maaabutan niya tayo, alalahanin niyo maze itong ginagalawan natin.” Huminto sila at nilingon ang gawi ko. Wala ng oras para magduwag-duwagan, hindi kailangan ang panic dito… it will only lead to death! Kailangan kong alalahanin ang mga daang tinatahak namin!
“We should be precise sa daang tatahakin natin, c’mon… dito tayo.” Lumiko kami sa kanan at nakakita ng isang kwarto doon, agad naming pinasok iyon at napagtanto na dito namin nilalagay ang mga props. Malapit na rito ang daan palabas! Nakita kong nangangaykay si Vince sa isang kahon doon. Hindi ko masyadong maaninag ang buong lugar dahilan sa mumunting kislap lang ng ilaw ang nagbibigay liwanag.
“Anong ginagawa mo bro?” tanong ni Jimmy rito.
“I’m looking for weapons …” saad nito.
“How could t-there be weapons here? These are all junks!” usisa na naman ni Jimmy.
“Paganahin mo utak mo Jim. Maaaring may mga gunting, ballpen, ruler o kahit anong matutulis na bagay rito. We could use it as a prior defense para mapuruhan natin ang mamamatay taong yun!” sagot nito na nagngingit sa galit. Tama si Vince … gagamitin namin ang kung ano mang makita namin rito sa pagtakas. Tiningnan ko si Angel na nanginginig pa rin hanggang ngayon, nakokonsensya ako.
“We should’ve listened to you in the first place …” saad k okay Vince. Napahinto siya sa kanyang ginagawa at nilingon ang gawi ko.
“If only we’d listened hindi sana aabot sa ganto ang lahat.” Hindi ko na napigilang umiyak, takot na takot na ako. Kahit anong pilit kong palakasin ang loob ko, nanghihina pa rin ako. Inalo ako ni Jimmy at Angel, kahit na nangiginig ang bestfriend ko… kahit na takot rin siya gaya ko, she managed to comfort me. Pero ako? I barely abandoned her!
“Shhh. Tahan na best, makakaalis rin tayo rito.” wika niya.
“Yeah, all we have to do is just stick together. Tao lang din ang kalaban natin! May kahinaan rin.” Pagpapakalma sa akin ni Jimmy sabay himas-himas sa likod ko.
“Hanggang ngayon manyak ka pa ring damuho ka! Tss. Hehe” nabuhayang-loob kong wika.
“Hindi tayo maaaring umalis rito, we should find the others before it’s too late.” Sabat ni Vince.
“Pwede naman tayong tumakas at tumawag ng mga pulis para sila na ang bahala!” pagtutol ni Jimmy.
“Sa tingin mo? Pagnalaman niya na lumabas na tayo ay maaari niyang patayin ang mga kasamahan natin! Gaya ng sabi mo, tao lang ang kalaban natin! Kayang-kaya natin siya!” – Vince.
“T-tama rin naman si Vincent, J-jimmy. Maaaring matagalan pa ang mga pulis.” – Angel.
“But there’s no reason restraining us na tawagan ang kinauukulan, right?” saad ko na nagpaliwanag sa kanilang mga mukha. Ba’t ngayon ko lang naisip na may mga cellphones pala kami at pwede naming tawagan ang mga pulis anytime.
“Oo nga no? ba’t di natin naisip yan? Ang tanga, hehehe” saad ni Jimmy.
“May cellphone ba kayong dala?” tanong ni Vince.
“Yes, right here in my pock –“ naputol ang sasabihin ni Jimmy nang makapa-kapa nito na wala pala ang cellphone niya.
“Yung akin na lang ang gamitin niyo, I’ve got one.” Suhestiyon ko. Pero bago paman maabot ni Vince ito ay agad namang nadead batt ang phone ko! Napatanga nalang ako sa nasakisihan, bakit ngayon pa!? Naalala kong hiniram pala ito ni Andrew kanina dahil maglalaro raw siya ng Zombie Tsunami. Arrrrgh! Ampucha!
BINABASA MO ANG
My Death Scythe - EDITING
Mystery / ThrillerI hate that I love to kill you ... I'm willing to do horrible things for a cup of vengeance. I would rather turn myself to a monster whom I hate the most. For I desire revenge, and REVENGE alone.