CHAPTER 10 - Kill Play (Part 1)

303 8 4
                                    

<3rd Persons POV>

Pangalawang araw na ng Festival at lahat sila ay ganadong-ganado pa rin. Ngayon na ang araw upang magtanghal. Kaya naman todo ang preparasyon ang kanilang ginawa dahil mamayang gabi na ang pinakahihintay ng lahat …

“Guys, dapat maging maganda at kapani-paniwala ang presentasyon natin.” Saad ni Amy sa mga kaklase.

“Tama si Amy, nakasalalay dito ang perang mar-raise natin –“ hindi pa man natatapos magsalita si Jed ay biglang sumabat si Vince.

“Yeah right …” tumingin sa kanya ang kanyang mga kaklase. Ramdam ang tensyon sa paligid dahil alam nilang lahat na ayaw ni Vincent kay Jed. Hindi man sinasabi ni Vincent pero ramdam nila ito kaso di lang nila alam ang rason.

“Ahm? Guys …pwede iset-aside muna natin ang kung ano mang personal issues meron tayo? Focus muna tayo sa play kasi mamayang gabi na ito.” Pagpapaalis ni Angel sa tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawang lalaki.

“Tss!” sagot nalang ni Jed.

“Ahh, so … Okay na? handa na ba ulit makinig? So, since si Jed at Andrew ang magiging reaper natin … sinu-sino ang mga papatayin nila sa play?” tanong ni John sa aming lahat.

Walang sumagot at lahat ng mga mata ay kay John lang nakatuon. Naintindihan naman agad ni John ang ibig nilang ipahiwatig.

“Okay, fine! Ako ang magiging victim … pero unfair ‘pag ako lang dapat duo kami!” asik niya sa lahat.

Nagprisinta naman si Arian na siya ang pangalawang victim at may ipinahabol pang sinabi … “Hindi ako papayag na mag-isa lang si Johnny baby na victim, kaya sasamahan ko siya.” Malanding wika ni Arian.

Napangiwi naman ang lahat dahil sa sinabi ni Arian. Pilit nitong nilalandi ang kung sinuman magustuhan nito, sa isang buwan nilang pagsasama ay lahat na ata ng lalaki sa kanilang section ay kanya ng sinubukang akitin. Nagpatuloy nalang sila sa pagdidiskusyon nang may mapansin si Angel na kakaiba.

“Ahm, Amy … di ka ba nagtataka?” – Angel.

“Na ano?” – Amy.

“Hindi mo ba napapansin na parang kulang tayo?”

“Kanina ko pa rin yan nahahalata, nasaan ba sina Drake at Kathy?” pagtatakang tanong ni Amy.

“Hoy! Anong pinag-uusapan niyo d’yan?” sabat naman ni Jimmy.

“Nakita mo ba kung saan nagpunta sina Drake at Kath?” tanong ni Angel rito.

“Ewan? Hala! Baka nagtanan na?” pakunyaring gulat na ekspresyon ni Jim.

“Gago!” natatawa nalang na saad ni Amy.

Ininda nalang nilang tatlo ang napansin nila, siguro tulog lang dahil sa pagod? O kaya naman ay namasyal-masyal muna sa ibang entries. Sarado naman ngayon ang HMH bukod sa tanghali pa eh dahil na rin sa pagprepara nila sa Kill Play na magaganap.

---

<Vince’s POV>

Nagtataka ako kahapon pa, hindi ko mahanap kung nasaan si Drake at si Kathy naman eh hindi ko rin makita kung saan. Kinukutuban akong maaaring may nangyari sa kanila, pero ‘pagsasabihin ko naman sa lahat paniguradong pagtatawanan nila ulit ako. Kaya pilit ko nalang isinawalang bahala ang aking nararamdamang takot at pagkabahala.

My Death Scythe - EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon