Chapter5

118 8 5
                                    

Good Morning Sunshine!

It's been a week since I started courting him. (Kilala mo na yang him na yan.) Napatingin ako sa pinto ko ng bumukas yon.

"Angela, Jeric is here."

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader ko. 8:48 am palang. Ang aga aga naman.

Tumango ako "Coming, mom." Inaantok na sabi ko at alam kong hindi narinig ni mommy yon.

Tumayo na ako at pumunta ng banyo para mag-tooth brush at maghilamos.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Jeric na umiinom ng gatas. Gatas?! Pfft! Ang tanda na niya, gatas pa rin iniinom niya? Ang akala ko ang mga katulad niya ay mas prefer ang kape or what. Ibang klase.

"Hey."

Bati niya pero inirapan ko siya.


"Hey your face." Nakasimangot kong sabi habang naglalakad papuntang sofa. Umupo ako sa sofa saka tiningnan siya ng masama.

"Oh, easy. It's still early to be masungit."


"Tss. Bat nandito ka?"


"Wala lang?" Seryoso siya? Kasi kung oo, sisipain ko siya palabas ng bahay namin.

"Jeric naman, it's too early! Can't you see this?" Tinuro ko eyebags ko. "Ang lusog niya diba?"

Tumango siya. "Yeah, kung anong kinapayat mo, yun naman kinalusog niyang eyebags mo."

Isang leche para sa kaniya. I rubbed my palm to my face and irritatedly look at him.


"Inaantok pako, Jeric. I slept late last night, so please. Let me sleep" I said tapos nag-yawn pa ako. Para maniwala. Pero seryoso, inaantok pa talaga ako.

Tinikom ko ang bibig ko saka siya tiningnan. Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay ng makita ko siyang nakatingin ng seryoso sakin. Problema nito?

"Let's date." He said, habang seryosong nakatingin sa akin.

Pinamaywangan ko siya.

"Hoy lalake! Ang aga mong pumunta dito para lang yayain ako ng date, dimo na lang ako tinext edi sana di mo naistorbo pag tu-- what?!"

I know, late reaction ako. Ang OA ko lang diba?

Pero ano daw? Tama ba narinig ko?

"Date tayo."

"Ayoko nga!"

"Why?"

"Ayoko. Mag-isa ka."

"Date lang naman yon ah."

He said na parang wala lang. At nagkibit balikat pa ang loko. And take note, it's a statement not a question. Psh. Sipain ko siya diyan e. Makita niya lang.

"Ikaw? Idedate ko? Ha! IYD, boy!"

I said then tumakbo papunta ng kwarto ko para maligo.

And yes, makikipagdate ako. Masama?

-

Pagbaba ko ng hagadan, nakita ko siyang nanunuod ng TV.

"O, kala ko ba ayaw mo?"



"Pake mo? May bibilhin ako sa mall?"


"Weh? Gusto mo lang din kamo."


"Kapal mo."

Tumayo na siya saka inayos sintas ng sapatos niya.

"Tara." Tumango ako.

"Wait lang." Pumunta ako sa office ni mommy.

"Mommy?" Kumatok ako.


"Pasok."

Binuksan ko yung pintuan ng office niya.


"Ah, mommy lalabas lang po kami ni Jeric."

Tumango lang siya kaya lumabas na ako.

Pagbalik ko sa sala wala na si Jeric kaya dumiretso na ako sa labas at nakita ko siyang nakasandal sa pinto ng kotse niya. Wow, ang yaman ng lalaki na to. Ang ganda ng kotse e.


"Nag-paalam ka?" Tumango ako. Binuksan na niya yung pinto ng kotse niya. Naks, gentleman si kuya. Haha.

Pumasok na din siya. "Patugtog ka." Sabi niya. Tumango ako saka plinay yung kanta ng Bangtan na I Like It sa cellphone ko. Napatingin naman siya sa akin.

"Anong kanta yan?" Kunot noong tanong niya.

"I Like It ng Bangtan."

"Naiintindihan mo?"


"Hindi."



"E, bat yan pinatugtog mo?"


"Gusto ko e, bakit ba? Magdrive ka na lang."

Umiling lang siya saka nagdrive papuntang... ewan ko?

I'm His ManliligawWhere stories live. Discover now