It's Monday. It's boring Monday. Why do we need to attend school every weekdays? Tsk. Sino ba kasi nagpatupad non?
*ting*
From:JericTheGreat
'Good Morning. :)'
Walang good sa morning kung ikaw ang bubungad sa umaga ko.
Seriously, pagkatapos ng date namin noong Sabado hinatid lang niya ako ng bandang 9 at umalis agad ng walang pasabi. Di rin siya nagtext or what. Tas kahapon, di rin siya nagparamdam! No Jeric the whole day, leche!
Why do I act like I miss my boyfriend? Bakit?! Nakakainis. Parang tanga lang.
"Angela, may sundo ka."
Sabi ni mommy habang kumakatok.
Sundo? Sino naman aber? Wala pakong pinapayagang makipagdate sa akin or what dahil nakafocus ako kay Jeric these past few days. Baka naman si...
Dali dali akong tumakbo pababa para tingnan kung siya nga talaga yon. But to my disappointment, hindi siya ang inaasahan kong sundo ko.
"Hey."
Kundi si Chester at hindi konsiya inaasahan. Ngayon lang ulit kaming nagkita.
He's my ex-boyfriend, also my first love. We were together for 1 year pero wala e. He needs to go out of the country because of their family issues. Naging kami noon when we were just grade 7. Funny right? We know. But we love each other. Minahal ko siya, sobra. Pero hindi ko alam after 2 years, kung hanggang ngayon mahal ko pa siya."Uh. Hey."
Awkward. Best definition samin.
He sat on the sofa pero ako nasa last step pa ng hagdan nakatayo habang nakahawak sa dulo ng hawakan ng hagdan.
"Van, sabay na tayo pasok."
Napatingin ako sa kaniya. Parang alam na niya ata kung anong ibig sabihin ng tingin ko kaya nagsalita ulit siya.
"Kahapon pa kami nakauwi and dito na ulit ako mag-aaral. Our issues? Tapos naman na. Dad handled it. And because wala akong kilala dito, ikaw agad pumasok sa isip ko."
Napakunot ako ng noo. Ako agad pumasok sa isip niya? Wow lang. Kikiligin na ba ako? Okay, para akong bitter
"Dahil ikaw at ang pinsan ko lang ang kilala ko dito at by the way, same old school."
He smiled. Gosh, namiss ko siya.
Napangiti din ako. "Give me a minutes."
I said. He laughed kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nakakatawa?
"Minutes or hours?" Natatawang sabi niya. Kilalang kilala niya talaga ako.
"Ewan ko sa'yo!"
I said then ran towards to my room to take a shower.
After how many minutes, bumababa nako at nakita kong nagkekwentuhan si Mommy at Chester habang si Chester umiinom ng gatas. Gatas? Pfft! Biglang pumasok sa isip ko si Jeric noong nandito siya sa bahay habang umiinom ng gatas.
"Let's go."
Pagyaya ko kay Chester. Tumayo siya saka pumunta ng kusina. And yes, saulo niya po loob ng bahay namin.
"By the way tita, mom wants to hang out with you."
He said, still inside of the kitchen.
"Sure. Tell her next time that we will."
"Alright."
Tiningnan ako ni mommy. What? May ginawa na naman ba ako?
"Take care of Chester, will you? He's not familiar in our place anymore."
She's using now her lawyer tone. And yes, dating lawuer si mommy. Ewan ko lang kung bakit siya nagresign. Hassle daw sa life.
Tumango lang ako. Ano pa nga ba? Yun lang naman ang magagawa ko. Under kaya ako kay mommy. "Ches, let's go. Baka malate tayo."
Lumabas na siya ng kusina habang nagpupunas ng kamay using his bench towel.
"Naghugas ka?"
"Yeah. I washed the glass I used" I smiled. Still the same old Chester, huh
"Let's go."
Sabi niya saka kinuha bag ko. The heck? Why did he grab my bag? Magaan lang yon! Psh. Alam niyang ayaw ko yung kinukuha bag ko sa akin. Bag ko yon, kaya karapatan kong dalhin yon. Nagdala pa ako ng bag kung iba naman ang magbibitbit.
Umiling na lang ako saka sumunod sa kaniya. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Nagthank you naman ako.
When he got inside the car, hinarap ko siya. "Ches, you know naman na ayokong pinapabuhat sa iba bag ko, right?"
Napakunot ang noo niya. Hindi niya pinansin yung sinabi ko instead he started the engine of the car. Alright, still the same old Chester. Kung ayaw niya sa topic, hindi siya magsasalita nor hindi niya ito papansin at parang wala lang yon.
I sighed. Sinalpak ko na lang ang earphones ko. But before I played a song, may sinabi pa si Chester na nagpahinto sakin.
"Damn. I miss you so much, Van."
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Teen FictionMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...