Chapter19

55 3 1
                                    

"Anong mukha yan, Yvanna?" Tanong ng bestfriend kong si Hannah na kakarating lang galing counter. Nilapag niya yung tray saka dumampot ng isang fries. Nainggit naman ako kaya dumampot din ako ng fries.

"Ito ba?"  Tinuro ko pa mukha ko gamit ang fries. "Mukha ito ng isang dyosang babae na pinipilahan ng sandamakmak na lalaki."

Napaubo siya. Ang bestfriend ko talaga, mahal na mahal ako. Never akong sinuportahan. Katouch.

"Kaya pala sa sobrang ganda mo nauso ang katagang 'babae na ang nanliligaw', kaya pala."

Patango tango niya pang sabi. Inirapan ko siya. So what? Atleast gumagawa ako ng sarili kong pangalan. Bihira kaya ang mga babaeng nanliligaw. Tyaka nakakasawa naman kung puro lalaki na lang ang manliligaw. Kaya rin naman ng mga babae ah, di nga lang bagay. Pero kahit na, swerte na nung lalaking nililigawan dahil mahirap ang efforts na ginagawa at nilalaan namin no! Tyaka deal lang yon! Hanggang three months lang naman na. First month na nga ng panliligaw next week.

"That's only a deal, wala lang yon!"

Nakangisi kong saad. Tinaasan niya ako ng kilay saka siya uminom ng coke.

"Deal? Weh?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo nga."

"Sabi mo e."

"Pero, hindi ko talaga nagets yung sinabi niya."

"Na ano naman?"

"Konting tulak na lang, mahuhulog na ata ako sa bangin mo. Yon. Hindi ko gets. Ang slow ko lang talaga."
Nagulat ako ng sumigaw siya. Takte! Bakit ba? Tinakpan ko ang bibig niya dahil nakakahiya siya at pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng McDo. Maski nga mga staffs na nasa counter e napatingin samin e.

"Shhh. Ang ingay mo. Nakakahiya ka. Bat ka ba kasi sumisigaw?"

Tinanggal niya kamay kong nakatakip sa kaniya. Nginitian niya ako ng nakakaloko saka ako hinila palabas ng McDo. Yung fries, sayang! Naman e, ngayon na nga lang ulit ako makakakain ng fries sa McDo sinayang pa niya. Buset.

Nakasimangot akong pumasok sa loob ng salon. Oo sa salon niya ako dinala. Tanungin niyo ako kung bakit. Bilis! (Bakit) Di ko rin alam. K, waley.

"Yung gupit na lalong magpapaganda sa kaniya."

Sabi niya sa baklang sumalubong sa amin.

"Sure. Papagandahin namin ang friend mo lalo." Sabi nung bakla saka kami tinalikuran. Hinila naman ako ni Hannah at pinaupo sa mga upuan kung saan ginugupitan.

"Ano na naman bang kalokohan mo, ha Hannah?"

"Yvanna, relax. Magugustuhan mo rin to, swear."

"Magugustuhan? Psh. Ewan ko sayo. Ano bang gagawin natin dito? At anong pumasok sa isip mo at magpapasalon tayo?"

"Basta."

Hindi na ako kumibo. Kaasar naman tong babaeng to.

Maya maya pa ay dumating na ang baklang sumalubong samin kanina at sinuotan na ako ng ano bang tawag dito? Basta yung nilalagay para hindi ka malagyan ng mga buhok na magugupit.

"You're pretty." Sabi nung bakla habang sinusuklayan yung buhok ko.

"Uh, thanks."

Nginitian niya ang ako saka sinimulan ang paggupit sa buhok ko. Shemay, pinag hirapan ko pa namang pahabain buhok ko tapos dahil sa kalokohang naiisip ni Hannah na hindi ko alam, mawawala lang pinag hirapan ko. Ang sakit, swear. Na-effortless zone ako. Huhu

"Alam mo bang bagay kayo ng anak ng may-ari ng salon na to?" Napataas ako ng kilay. Bagay kami, e hindi ko pa nga siya nakikita. Tyaka mamaya, di ko type yung look nung gink or the way he dress. Like duh, sa ganda kong to. Ay ewan.

"What do you mean?"

"Wala lang. Naisip ko lang na parang bagay kayo. Ang gwapo kaya ni Sir Ford, sobra."

Ford? Apelyedo ni Jeric yun ah.

"Ford?"

"Oo, dear. Last name ng family name nila ay Ford. Ang ganda no? Ang gaganda pa ng mga lahi. Naku kung makita mo lang yun si Sir, mapapanganga ka. Ewan ko nga kung bakit siya iniwan ni Denise e."

"Wait, pwedeng magtanong?"

"Go."

"Yung lalaki ba na sinasabi mo ay Jeric Santiago Ford ang full name?"

"Oo, siya nga."

Napatango ako. So, salon pala nila to?  Pero teka, may nabanggit siyang Denise.

"Sino naman si Denise?"

"Si Denise? Maganda din yon, pero sa tingin ko mas maganda ka don."

Alam ko naman e, wag naman na nilang ipamukha sa mukha ko na maganda ako. Enebe. Pero ang layo ng sagot niya. Hindi ko naman tinanong kung sino mas maganda samin ni Denise. Ang tanong ko, sino si Denise.

"I mean, ka ano ano ni Jeric yon?"

"Hmmm. First love, first girlfriend at first heart ache ni sir Ford. Alam mo bang nasubaybayan namin ang love story nila? Pano ba naman kasi, dito sila nag-umpisa."

"Panong dito nag-umpisa?"

Nakakacurious e, sorry naman.

"Uuy, curious siya. May gusto ka kay sir Ford no?" Pangangasar niya pero sinamangutan ko lang siya kaya tinuloy niya kinekwento niya. "Ganito kasi iyan. Si sir Jeric muna ang namamahala ng salon nila dati dahil nasa Norway ang mommy niya. Then sakto noon na nag-punta si sir dito, kauna unahang punta niya dito ng nagpa salon si Denise dito. Then ayon. Simula non, nandito na lagi si sir pati si Denise, dito na rin nagpapasalon. Alam ko, nagtagal sila ng 2 years? Tama ba. Ay ewan. Bagay nga sila e kaya nakakahinayang relasyon nila. Ang sweet nila sa isa't isa at mahal na mahal nila ang isa't isa. Ngayon wala ng girlfriend si sir, ang pag kakaalam ko. Hindi na rin kasi nagpupunta si sir dito. Nga pala. Kaano ano mo si sir?"

Natameme ako. Kaano ano ko nga ba si Jeric? Hindi ko naman pwedeng sabihin na nililigawan ko. Nakakahiya kaya. Oo, nahihiya na ako. Deal nga lang kasi yon.

"Uhm, classmate ko." Kahit hindi.

Napatango lang yung bakla. Di na rin ako nagsalita dahil pilit kong inaalala yung sinabi niya tungkol kay Jeric at Denise. Familiar kasi sa akin mga sinabi niya.

May best friend din kasi akong Denise ang pangalan at may ex din siya na anak ng may-ari ng salon. Coincidence lang siguro na pareho sila nung Denise na kwinekwento nung bakla.

I'm His ManliligawWhere stories live. Discover now