Nagkekwentuhan kami ni Jeric ng biglang may tumawag sa akin.
"He--"
"Where are you?"
Its mom.
"I'm with Jeric, mom."
"Go home."
"But mom--"
She ended the conversation. Napailing na lang ako.
"Mommy mo?"
I nod, "pinapauwi na ako."
"Bakit daw?"
"Ewan?"
Nagkibit balikat lang siya saka tumayo na sa kinauupuan niya. "Let's go, hatid na kita."
Tumayo na rin ako at sumakay na sa kotse niya. Tahimik lang kami sa loob ng kotse, walang nagsasalita pero hindi siya awkward. Napakaconfortable nga e.
"Angela.." pambabasag niyang katahimikan
"Hmm?"
Hindi siya sumagot kaya napatingin ako sa kaniya at para siyang nakikipag-away sa sarili niya.
"What's wrong?"
Saglit lang siyang tumingin sakin. Napansin kong humigpit din ang pagkakahawak niya sa may manibela. Hinawakan ko ang balikat niya pero hindi niya pinansin yon kaya binababa ko na lang din. I sighed saka lumingon sa labas.
"Mahal kita."
Napakunot ako ng noo, "alam ko." I chuckled. "Dama ko."
I saw in my peripheral vision na ngumiti siya. "Buti naman."
"Hey, what's wrong ba?"
"Wala naman. Pinapaalala ko lang naman sayo na mahal kita ah. Masama ba?" Lumungon siya sa akin na nakangiti. Ngumiti rin ako. Damn, bat ang gwapo gwapo ng lalaking to? Boyfriend ko na ba talaga to?
"Gwapong gwapo ka na naman sakin, noh?"
I rolled my eyes, "san banda?"
And that, nagtawanan kami. Pero saglit lang dahil bigla na naman siyang sumeryoso.
"I have a question."
Hindi ako sumagot.
"What if.. what if.. what if.."
"What if?"
"What if.. aalis na ako?"
Napatingin ako sa kaniya na may guhit sa noo. Aalis siya?
"What?"
Tumingin siya sakin saka tumawa, "joke lang!"
Pinalo ko siya sa braso. Joke joke siya diyan! Anong nakakatawa sa joke niyang yon?
"Joke mo mukha mo! Pinakaba moko!"
"Uy, kinabahan siya. Don't worry di mangyayari yon."
"Whatever. Still, di magandang biro yon."
"Sorry na po. Di nako magjojoke ulit ng ganon."
"Ewan ko sayo. Magdrive ka na lang diyan
Iidlip lang ako.""Yes boss."
Hindi ko na siya pinansin. Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana saka pumikit. Pero bago ko tuluyang napikit mata ko, may narinig akong huling sinabi niya na ewan ko kung sinabi niya ba talaga yon o ano.
Mamimiss kita, Angela. So much. Mahal kita, sorry.
-
Nagising ako dahil pakiramdam ko ay lumilindol. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang magaling kong kuya na tumatalon sa kama ko.
"Good morning, my dear little sister."
"Kuya!"
"What?"
"Stop that!"
"Stop what?"
"Para ka namang bata e! Tumigil ka na nga sa ginagawa mo!"
"Okay, okay. Chill lang, sissy. Masyado namang high blood, ke-aga aga e."
"Psh! Kumot ko!"
"O," pagkabigay niya ng kumot ko ay umupo siya sa may swivel chair na nasa harapan ng computer desk.
"Kumusta date?"
"Anong date pinagsasabi mo diyan?"
"Sus! Pakunwari pa. O'sige, kunwari diko alam yung tungkol sa birthday gift sayo ni Jeric."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya. Alam niya?
"Alam mo?"
"Kunwari nga diko alam e, so hindi."
Binato ko siya ng unan pero nasalo niya yon kaya tumawa siya. Baliw.
"Sumagot ka ng maayos!"
"Tsk. Ako ba talaga panganay satin? Parang hindi e, kung tratuhin moko." Nakanguso niya sabi saka niyakap yung unan na binato ko sa kaniya. Napahilamos ako sa mukha sa inasal ni kuya. Parang hindi nga talaga, kuya. Parang hindi.
Napailing ako. "How did you know about that?"
"Its because, because."
I mentally slap kuya's face in my mind. Nakakabwisit! Walang matinong sagot na mapapala sa kaniya.
"Isa, kuya."
"Okay, okay." Nagdekwatro siya, "kasi ako ang kumidna--"
"What?! You kidnapped me? How can you did that to your sister? Mom and dad need to know about this!"
"Hey, chill. I kidnapped you because its part of the plan, so pwede ba? Shut your mouth first and let me finish?"
I nodded so he continue.
Kasama daw siya sa plano ni Jeric dahil sakaniya daw humingi ng tulong si Jeric. And he knew Jeric daw because Jeric is one of the best varsity player sa school niya dati kung saan malapit lang ang university ni kuya na pinag-aaralan niya ngayon.
"Then I told him, ako kikidnap sayo. Ayos ba? Siguro kinilig ka? Naks. May boyfriend na kapatid ko! Di na siya panget! Magdiwang!"
Binato ko ulit siya ng unan. "Leche ka, labas!"
Ngumuso siya, "masamang kapatid to. Palibhasa may boyfriend na."
"Isa pa kuya, tatamaan ka na sakin!"
"Oo na po, lalabas na, ilang beses na nga akong natamaan e" lumapit siya sakin saka ginulo buhok ko kaya napalo ko siya.
"Ang sama talaga. Lalabas na nga e."
I just rolled my eyes. Bago siya lumabas may sinabi pa siya.
"Nga pala sissy, I saw Jeric kissed you last night nung hinatid ka niya. Ayiee, may first kiss na siya. Buti na lang, di nakita nila mommy at daddy yon. Paktay sana si Jeric-- aww!"
"Labas na!"
Tumawa siya saka binato pabalik ang unan na binato ko at lumabas na. Thank God, nanahimik sa kwarto ko. Pero teka. Bigla akong napahawak sa labi ko at nanlaki ang mata ko.
"Jeric kissed me last night?"
Oh my gosh. Yun na ata pinakamagandang regalo na natanggap ko.
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Novela JuvenilMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...