First time kong marinig ang ganong klaseng sayaw. Sumasayaw ako, pero hindi ko alam ang klaseng sayaw na yun.
"What?" Tanong ni Dondie na naguguluhan.
"Interpretative. Slow-drama dance with story. Kung baga, sumasayaw kayo pero may sinusundan kayong kwento." Nilabas niya cellphone niya. "Here, panuorin niyo muna tong video na nasave ko kagabi. Just wait me here, may kukunin lang ako."
Si Dondie na ang kumuha ng cellphone ni Ma'am at plinay yung video at literal akong napanganga sa napapanuod ko ngayon.
"So, this is what they called interpretative dance, huh?"
Hindi makapaniwalang komento ni Dondie. Pinanood kong mabuti ang video at napatanong ako sa sarili ko...
Kaya ko ba yon sayawin?
-
"Kasali ka pala sa Mr. and Ms. Intramural." Asar ni Jeric sakin habang naghahanap ng libro.
Nandito kami ngayon sa NBS, nagpasama siya sakin. May bibilhin daw siyang libro ni Harry Potter.
"So?"
"Wala naman. Goodluck na lang sayo, marami kang chicks na makakalaban." Nakangisi niyang sabi. I rolled my eyes.
"Pake ko sa kanila?"
Kibit balikat siyang tumawa habang hinahanap yung libro na gustong gusto daw niyang bilhin. Actually, kanina pa kami dito pero hanggang ngayon di pa niya nahahanap bibilhin niya.
"Matagal pa ba yan?"
"Wait lang, malapit ko ng mahanap. Eto na!" Sabay taas niya ng libro. "Cool, diba? Cover pa lang, astig na. Ano pa kaya kung yung
na at yung adventure na ni Harry."Napataas ako ng kilay. Anong mapapala niya sa librong yan? Magtatanong pa sana ako kaso pumunta na siya ng counter para bayaran. Napailing na lang ako. Ano bang meron kay Harry Potter at kinababaliwan nila? Like seriously? Puro tungkol lang naman yun sa wizards, magics, spells, crazy adventures, a man wearing a specs, a human who has a wand, witches, monsters, unbelievable living creatures and other related to fantasies. See? Walang thrill. Paulit ulit lang.
"Let's go." Tumango ako saka sumunod sa kaniya.
"By the way, Angela. Sinong kapartner mo?"
"Kapartner?"
"Sa Mr. and Ms."
"Ah. Si Dondie." Walang gana kong sagot. Tumingin lang siya sa akin at binaliwala lang ang sagot ko.
"Wala kang irereact?"
"Ano namang irereact ko?"
Napasimangot ako. "Ex mo siya, dapat may reaction ka like---"
"Ex?" Di makapiniwalang tanong niya. "Ex ko?"
Tumango ako. "Yeah, si Dondie?" Unsure na sabi ko.
Tinawanan niya ako kaya napakunot ako ng noo. "What the hell, Angela. Ex ko yung hayop na yon?" Umiling siya. "Ah, I got it. Ex best friend ba ibig sabihin mo?"
Tumango ako. Ginulo niya buhok ko kaya napalo ko kamay niya. "Ikaw talaga. Tara na nga, kain tayo. Baka gutom lang yan."
Hinila na niya ako papuntang McDo. Siya na rin ang nag-order at siyempre nagbayad. Siya nagdala sakin dito kaya responsibilidad niya yon. Maya maya ay dumating na rin siya, dala ang tray na may isang pirasong burger, isang large fries, isang McFloat at tubig. Dalawa kami, bat tig-iisa lang?
"Dalawa tayong kakain, for your information Mr."
"Oo nga." Nilapag niya yung tray saka umupo sa tabi ko. "Hati tayo." Taas babang kilay na sabi niya. Napatingin ako sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata.
"Seryoso ka? Kung ayaw mokong ilibre, oorder na lang ako ng akin." Akmang aalis na ako sa pwesto ko ng pigilan niya ako.
"Matuto kang magtipid. Share na tayo dito, wag ng maarte."
Unbelievable. Share kami? E kulang pa nga ata sa kaniya inorder niya!
"Kakain ka o uubusan kita?" Tanong niya saka kumuha ng isang slice ng fries. "Upo." Wala nakong nagawa ng higitin niya ako paupo. Nagulat na lang ako ng isubo niya sa akin yung fries na sinawsaw niya sa McFloat. Hindi agad ako nakapagreact. Takte!
"Ngumuya ka, try mo lang." Tinignan ko siya ng masama pero nginitian niya lang ako. "Sarap diba?" Napailing na lang ako. Ibang klase.
YOU ARE READING
I'm His Manliligaw
Teen FictionMahilig makipaglaro si tadhana. Ingat ka, baka mapaglaruan ka. Sobrang hirap ng laro niya, hindi mo alam kung kakayanin mo o susukuan mo na lang. I hate playing, but I did when destiny plays with me--us. Everything is perfect. But as I said, destiny...