Chapter40

43 1 0
                                    

Its been a week since Jeric and I dated. Its been a week na din since nawala ang first kiss ko na wala akong kamalay malay. Pero, bwisit. Kinilig ako don.


"Oy, babaita." Pinitik ni Hannah noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Bat moko pinitik?"


"Para magising ka. Kanina pa ko salita ng salita dito pero parang wala akong kausap. Pinag mukha mo akong tanga, alam mo yon?"

Ang drama ng babaeng to. May pinagdadaanan siguro to. May biglang pumasok sa isip ko. Pansin ko, lately, Hannah and Chester look so close to each other. Napangiti ako. Diko na pala sila kailangang ipakilala sa isa't isa. Sila na kusang nag-pakilala sa isa't isa. Good for them. Malay natin. Baka sila na pala talaga ang para sa isa't isa. And I wish Chester finally moved on from me. He deserves to be love.

"Tas ngayon ngingiti ngiti ka diyan? Jusme, Yvanna. Nakakatakot ka na."

Lalong lumaki ngiti ko kaya lalong umasim mukha ni Hannah. Natawa ako. Hay, ang best friend ko talaga.

Pinatong ko dalawang siko ko sa lamesa at pinagdikit saka pinatong ang baba ko sa magkadikit kong kamay. "So, how's your love life, my dear best friend?"

Nanlaki mata niya at huli ka balbon! Namula po siya.

"A-anong love life? Wala ako non, no!"

"Really?"

Dahan dahan siyang tumango kaya napailing ako. Hindi na ako nagsalita. Pinanuod ko ang mga estudyanteng naglalakad at may kaniya kaniyang business. Malapit na rin pala ang sports fest namin, ngayon ko lang narealized. For these past few days, puro na lang ako praktis para sa contest. Nakakabanas lang dahil lagi kong kasama yung Ramiro na yon. Naiinis pa rin talaga ako sa kanila ng tatay niya. At natutuwa ako dahil mukhang hindi na nila pinagpaplanuhan ang tungkol sa balak nilang kasal namin. Hindi na nga din pumupunta ang mag-ama sa amin. Hindi na rin kami nag-didinner together. And I'm happy for that. Since dumating si daddy, nawala sila sa picture. Thanks a lot to my dad. Siguro hindi siya pumayag sa plano nila mommy.

"Chester!"

Nagulat ako ng sumigaw yung kasama ko. Napatingin ako sa lalaking tinawag niya. Uhm, do I need to out in the picture na ba?

"Hey, Han."

Nanlaki mata ko sa sinabi ni Chester. Did I heard it right? Hon? As in honey? An endearment of a couple? Sabi na e! May something sa dalawang to. Oh my gosh! I'm so kinikilig! Napalo ko braso ni Hannah.

"Kyaaaah!"

"Aray ko, Yvanna! Ano bang problema mo?"

Umiling ako saka ngumiti. Tiningnan ko si Chester at binalik ko tingin ko kay Hannah saka ako napakagat ng labi habang kinikilig. Gosh, kinikilig talaga ako. Finally! May love life na best friend ko!

Tiningnan nila akong dalawa na parang nawiweirduhan sila sa akin. I know, ang weird ko. Dahil di nila alam kung anong dahilan behind this kabuangan ko. I just shook my head then grab my things.

"I'm going to out in the picture of yours, love birds. Goodbye!"

I waved my hand saka lumakad na palayo. Hindi ko pa rin maalis ngiti ko sa labi ko until my phone vibrated. Nakangiti pa rin ako habang dino-drawing ko ang pattern ko but my smile vanished when I red his message.

From:MyGreatBoyfriend<3

'I love you, Angela. Goodbye.'

I'm His ManliligawWhere stories live. Discover now